"Good Morning Sir!* Sabay-sabay na bati nila sa akin. Natigil din ang ingay njla. Tila nakikiramdam pa ata sila sa ugali ko. Habang si Sierra naman ay parang natulala na ata sa kan'yang kinauupuan ngayon. Nabasa ko pa ang kan'yang sinasabi base sa pagbuka ng labi nito. Hindi s'ya makapaniwala na nandito ako ngayon sa harapan n'ya. Samantalang kanina ay magkasama pa kami papunta dito. "Since first day ko bilang in'yong professor ay magpapakilala muna ako ng pormal. "Ako si HENERAL DARIOZ DAKILA ang inyong magiging pansamanta na professor habang naka-sick leave si Prof Lee." Pagpapakilala ko sa kanila na tinagalog ko na talaga. "Makata ang new Prof natin!" Pabulong pang sabi ng isa sa kan'yang katabi na dinig na dinig ko naman. "HOTTIE pa!" Kinikilig na sabi naman ng isa. "First nat

