DARIOZ POV: Papunta ako ngayon sa campus para sunduin su Sierra. Anim na buwan na din ang mabilis na lumipas mula ng nagkagulo kami ni Drew,dahil sa isang game na naging sanhi pa ng hindi namin pagkakaintindihan nito. Okay naman kaming naglalaro at okay naman sa akin ang gusto n'yang mangyari na kapag nanalo sila ay hahayaan ko na s'yang lumapit kay Sierra,pero Wala sa usapan na mandadaya s'ya. Iyon ang hindi ko gusto,kaya naman sa inis ko sa kan'yang ginawa ay nasuntok ko ito. Pero sa huli ay naayos din naman namin. Flashbacks: Pagka-uwi namin ni Sierra sa bahay ay hindi na ako kinausap nito kaya naman dumiretso na lang ako sa aking kwarto. Hindi ko muna s'ya kakausapin ngayon, dahil hindi ko naman kayang sagutin ang tanong n'ya sa akin. Ang tanong n'ya sa akin kung bakit ko sinuntok

