" Halika na at tapos ko ng ayusin ang helmet mo." Sabi pa nito at hinawakan na ang aking kamay at sumakay naman ako sa motor. Niyakap ko na lamang ito at hindi naman halata na nananantsing ako,dahil kailangan kong kumapit sa kan'ya para hindi ako mahulog. Ito ang ikalawang pagkakataon na nakasakay ako sa motor ni Ninong. Habang nasa byahe ay nag-eenjoy akong makita ang magagandang tanawin na hindi ko naman nakita kahapon. "Ninong,bakit dito po tayo dumaan?" Takang tanong ko pa,dahil hindi naman ito ang dinaanan namin kahapon ng noong mga nakaraan na araw. "Para naman maiba ang nakikita mo,maaga pa naman at kahit med'yo malayo ang daan na ito sa university mo ay kakayanin naman na umabot ka sa first subject mo." Kampanteng sagot ni Ninong. Sa totoo lang ay parang bumalik ako sa probins

