Habang kinakausap ko ang mga tao sa loob ay kumikilos naman ang ibang mga kasamahan ko. Dahil biglaan ang operation na ito ay tumulong na din si Sergeant Ramirez sa amin. "Nakikiusap ako sa in'yo na h'wag n'yong sasaktan ang mga hostage n'yo! Anong kailangan n'yo at ibibigay namin." Sabi ko habang gamit ang megaphone,kaya naman dinig na dinig sa buong sulok ng lugar na ito ang aking boses. Habang nandito ako ay kumikilos na ang mga kasamahan ko,si SERGEANT Ramirez nga ay naghahanap din ng maaring mapasukan para makapasok sa loob. Pagkatapos kong magsalita ay may sumagot mula sa itaas. May hawak s'yang microphone na parang ginagamit ata sa videoke. Pina-alis namin ang mga taong nakiki-usyoso dito,dahil baka madamay pa sila sa kaguluhan na ito. Mahirap na kung maraming civilian ang madam

