Chapter 6

2639 Words
~ Lily ~ Para akong ninja habang naglalakad ng magaan papunta sa likod bahay. Daig ko pa magnanakaw para lang walang makapansin sa akin dito sa loob ng aming mansion na mga kasambahay lalo pa at maraming bodyguards ang nakakalat sa kapaligiran. Wala pang alas-kwatro akong nagising nang maaga at nagkukumahog sa pagkilos. Kaya wala pang one hour ay naka-ready na ako. Suot ang croptop at may black jacket na may hood, black fitted jeans at black running shoes. Nagsuot rin ako ng black caps para itago ang mahaba at maganda kong buhok, suot din ng black sunglasses at black facemask. Nasa likuran ko naman ang kalakihan kong backpack. Lintik kang Dracula ka. Hindi mo ako mauutakan gunggong ka! Dahil may pera naman ako ay lilipad akong Germany, at pagkatapos nun ay nagliliwaliw muna ako sa iba pang parte ng europe. Wag ko lang masagupa ang bwisit na Dracula na iyon na mukhang tuso pa naman. Nase- sense ko pa naman sa hinayupak ng abogado na iyon na mukhang hindi ako tatantanan. Napangisi ako ng makita ko ang big bike ni Leandro na nakaparada lang sa gilid ng poste at nagkataon pang walang ilaw sa lugar na iyon. Ibinaba ko sa tabi niyon ang backpack ko sa tabi niyon dahil may kabigatan, napayuko ako ng makita ko ang isa sa security guard namin naglalakad habang nagpa-patrolya. Kailangan ko munang bumalik sa loob ng bahay para kunin ang susi ng motor ni Leandro. Mabilis ang pagkilos ko ng hindi napapansin ng ilang mga kasambahay. At dahil gamay ko na kung saan nakasabit ang mga susi ng mga sasakyan at motor ng kakambal ko ay para akong si the flash sa bilis ng pagkilos. Wala pang limang minuto ay nàkabalik ako malapit sa big bike ni Leandro. “What the f**king he ll?!" bulalas ko. Salubong ang mga kilay ko ng mapansing wala na ang big bike ni Leandro, at ang mas nakakaloka pa ay ang backpack kong nilapag ko lang sa tabi niyon. Asar akong nagpalinga-linga sa kapaligiran. Madilim pa rin naman, walang bakas na may kahina-hinala sa buong bakuran ng aming mansion. Dahil kung merun man ay baka nangisay na kung sino man na nilalang ang magtatangkang pumasok sa amin. Dahil bukod sa mga security guards ay may mga bitbit ang mga itong baril o sumpak at makukuryente ang kung sino mang akyat bahay gang na magbabalak umakyat sa mataas na bakuran. “Yawa anu nangyare?" parang gusto ko bumuga ng apoy sa sobrang frustration. Kung kelan nagmamadali akong lumayas na ngayon nawawala pa ang gamit ko. “Ahhh! Sino----" malakas ang tili ko at gulat akong may isang malaking kamay ang tumakip sa aking bibig. Yumakap pa ito sa aking likuran na kulang nalang ay ibaon ako nito sa katawan ng kung sino mang hudas na ito. “Dont make a noise" Halos lumuwa ang mga mata ko nang marinig ang boses na pamilyar. Hayup si Dracula! “Mmmmm" gusto ko itong murahin pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak nito sa aking bibig. Pakaladkad ako nitong nilayo pa sa madilim na daan. Gustong gusto ko na itong sapakin sa mukha pero hindi ko magawa. Nagulat nalang ako ng may isang maliit na gate na gawa pa sa marupok na kahoy kami lumabas. Sa tinagal-tagal ko ng paninirahan dito sa amin ay hindi ko pa kailan nakita na may exit pala dito. “Animal ka kidnapping itong ginagawa mo!" malakas kong singhal sa hinayupak na Dracula na ito ng pakawalan nito ang bibig ko. Pero ang kanang braso ko ay mahigpit nitong hawak. “Kidnapping you is much better than escaping me." Busangot ang pagmumukha nitong tumingin sa akin. Nasusurang tinignan ko ito mula ulo hanggang paa. Kung anu ang suot nito mula kagabi ay ito pa rin ang suot niya ngayon. Wala ba itong tulog? “Anung ginagawa mo rito? Paano ka nakapasok dito?" gustong gusto ko ng bawiin ang braso kong hawak nito pero masiyadong mahigpit at parang walang balak itong pakawalan ako. “Ang ingay mo. Let's go!" “Hoy!" nanggigigil na talaga ako sa bwisit na ito na makapal ang mukha. Dahil imbes na sagutin ang tanong ko ay parang batas niya akong hinila na naman. “You f**king scumbag Dracula! How dare you for ---- Ahhhh!!" Sa bilis ng pangyayari ay napansin ko na lang ang kotse nitong nakaparada sa malaking puno at pabagsak niya akong pinaupo at sinara ang pintuan ng kotse. Ang kapal ng mukha! Ang bilis din ng takbo nito habang papunta sa kabila at naupo sa drivers seat. “Hindi ako sasama sayo Dracula hayup kang animal ka! Ibaba mo ako!" malakas kong sigaw at wala akong paki kung marindi ito sa akin. “Fasten your seatbelt" malayong sagot nito sa akin. “No!" “Do it!" “F**k you!" Hindi na ito sumagot bagkus pinaandar nito ang sasakyan at kulang nalang ay bumuga ako ng apoy ng bigla itong kumabig. Hindi pa naman ako naka-seatbelt. “Tarantado ka talaga eh no!" “ Do not shout. You will just run out of energy, just sleep it off." matabang na sagot nito. Mas lalo tuloy akong nanggigigil sa hinayupak na ito. Gusto ng lumipad ng kamao ko sa dalawang mata nito para tuluyang mabulag. Pero hindi ko gagawin iyon dahil baka utakan na naman ako ng gunggong na ito at tuluyang ipakulong. Napakahayup talaga. Hindi pu-pwede ang ganito. Wala sa sariling nakabit ko tuloy ang seatbelt sa aking katawan. Maraming plano na ang pumapasok sa aking utak dahil mukhang hindi ako tatantanan ng anak ni satanas. ~~~~~~~ “Ahhhh!" malakas akong napasigaw ng bigla nalang kumabig ang kotseng sinasakyan ko. Ilang sigundo lang bago ko na-realize na wala pala ako sa amin at ngayon ay nakasakay sa loob ng kotse ng lalaking kinaiinisan ko. Si Draculang panget. Nakatulog pala ako sa sobra ng sama ng loob. Paano ba naman imbes na takasan ko ang animal na ito ang ending ay kinidnap ako. Hayup talaga. Wala na ang sombrero at facemask ko, maski ang sunglass ko ay wala na rin. Nakasabog ang mahaba at makukay kong buhok. “We finally here" Masama ko itong tiningnan. “So?" pabalang kong sagot. “Then suit your self. Marami ka pang kailangang gawin." “Impakto .. Ahhh!" muli ay malakas na naman akong napasigaw dahil walang pakundangan ako nitong hinila para ilabas sa sasakyan. Hindi ko na nga napansin na hindi na pala nakakabit sa akin ang seatbelt. Nang makalabas ako ay balak ko ng suntukin sa mukha ang impakto nang mapatingin ako sa kapaligiran. “Anong klaseng lugar to?" napanganga ako ng libutin ko ang buong paligid. Puro nagtataasang mga puno na para bang nasa masukal kami ng kagubatan. Kahit maaga pa ay may kadiliman dahil natatakpan ng mga dahon ang langit at sumisilip lang ang liwanag mula sa araw. Napatingin ako sa kaliwang bahagi at mas lalo akong nagulat ng may malaking lumang gate na kahoy ang naroroon na natatakpan na ng mga halaman. “Wag mo sabihin dito mo ako itatago gago ka Dracula!" marahas akong napalingon dito ng makita kong nakatitig lang ito sa akin. Bigla tuloy tumalbog ng husto ang aking dibdib. Animal na ito! “Yeah. We stay here for good." Agad akong napasimangot sa sinabi nito. Matapos nitong magsalita ay lumapit ito sa malaking gate na kahoy. Merun itong kinapa mula roon at ilang minuto lang ay bumukas ito. Dalawang malalaking katawan na lalaki ang sumaludo kay Dracula, sa tingin ko ay mga tauhan nito ang mga ito at nag-uusap sila na hindi ko na naririnig. Kaya habang nag-uusap ang mga ito ay mabilis akong tumalikod. Baka may oras pa akong tumakas sa hinayupak na ito. Pero nakatatlong hakbang palang ako ng umangat ang katawan ko sa ere. “Ahhh yawa ibaba mo ako!!" Para akong isang sako ng bigas na nasa balikat ni Dracula. Pinagsusuntok ko ang likuran nito sa sobrang pagkaasar. “Animal ka! Gagantihan talaga kita. Sumosobra ka ng impakto ka! Ahhh!!!" Bigla na lamang ako nito hinampas sa aking pang-upo. “You're too noisy!" “F**k you Dracula!" “Yes sure. We gonna f**k very soon" bastos na sagot nito. “Tanginamo Gago!" Pero parang nagsalita lang ako sa hangin dahil para lang itong tuod at nagpatuloy sa paglalakad na hindi ko alam kung saan kami patungo. Hanggang sa ibinaba ako nito sa entrada ng napakalaking pintuan. Fvck? Bakit ganito ang itsura ng napakalaking bahay na ito. It looks like a Victorian era castle. Para akong nasa europe dahil nakakita na ako nito ng minsan akong mamasyal. Pero hindi ko akalain na may ganito rin palang castle na napabayaan na ng panahon ang labas dahil masyado ng luma at hindi man lang naisipang irenovate ng impaktong si Dracula. Napapalibutan ng mga halaman ang kalahati ng castle na ito at talagang napapaligiran kami ng mga puno. Huh! Ayus saktong-sakto ang lugar na ito sa Dracula na ito. Mukhang may lahing bampira pa ata ang hayup at ako ang gagawin niyang pagkain kapag nagutom. Ahhh No f**king way! Magkamatayan muna kami bago niya ako kagatin sa leeg. Sa ganda kong ito, dito lang ako matitigok. Pwes uunahan ko na ang Dracula na ito. “Dont touch me!" singhal ko kay impakto ng akma na naman niya akong hawakan. “What? We should go to inside Lialyn." kunot noo itong nakatingin sa akin. Hayup na ito. Kung makatitig talaga ang Dracula na ito ay nanunuot hanggang buto ko, kailangan kong makalayas sa lugar na ito at baka hindi na ako makauwi ng buhay. “Dont call my name! We are not even close." sabay irap dito at napameywang. “Then what should I call you? Lily? Griffer? or it makes sense If I call you Honey?" Lumapit si Dracula sa akin sabay ngisi. “Sige subukan mo pang hawak-hawakan ako mamatay ka sa kinatatayuan mo ngayon!" kung pwede lang ay tusukin ko na ang mga mata ng animal na ito na wala ng ibang kundi ang tumitig sa akin na akala mo ay hubad ako sa kaniyang harapan. Manyakis ang potah! Tumawa si impakto kahit wala namang nakakatawa. “I really like your sense of humour. My soul wants to ---" “Sige ipagpatuloy mo pa yang sinasabi mo manyakis na impakto. Ipapalunok ko sa iyo yang paso sa gilid mo!" Biglang nagbago ang hilatsa ng mukha ng hinayupak. Parang gusto pa magsalita ng kakaiba pero kinagat na lamang nito ang ibabang labi. Bwisit wet lips na tuloy tong ulupong na ito! Hindi ko alam kung nang-aakit ba ito o nang-aasar lang eh. “Oh God. Come inside so we can finally eat our breakfast Honey." Tumalikod na si kumag at may parang pinindot ito sa may gilid maya-maya pa ay bumukas na ang malaking pintuan. Kahit labag sa loob ay sumunod na rin ako dahil nagugutom na rin ako. Pero ganun na lang ang gulat ko ng makita ang napakaraming kasambahay na nakahilira sa magkabila at binigyan daan si Dracula na naglalakad sa gitna. Lahat sila ay nakayuko at dumiretso lang ng pagkakatayo ng batiin ni Dracula. “Goodmorning everyone" Salita ni Dracula. “Magandang umaga po Master Draco" sabay-sabay na sagot ng mga kasambahay. “Tulad ng nasabi ko na sa inyo nang nakaraan, I'm staying here with my new ----- " huminto ito sa pagsasalita at lumingon sa akin. “Its her. I would like to introduce to all of you Ms. Lialyn Griffer but you can call her Lily." Masamang tingin ang ibinigay ko kay Dracula, siya pa talaga nagsabi sa nickname ko kapal ng mukha . Nang mapatingin naman ako sa mga kasambahay ay mukhang nagulat ang mga ito sa akin ang iba ay napanganga pa. Sino ba naman ang hindi magugulat na sa sobrang mala-dyosa ang ganda kong ito ay magiging katulong lang ng isang impaktong Dracula. Binati ako ng mga ito at ngumiti lang ako sa mga ito bilang ganti dahil wala ako sa mood magsalita lalo pa at ang mukha ni Dracula ay nakakabwisit tingnan. Nagsalita pa si Dracula na hindi ko na inintindi dahil nagwawala na ang mga dragon ko sa tiyan. Nagulat ako ng hilahin ang kamay ko ng bwisit na si Dracula. “Ano?!" singhal ko dito. Napatingin tuloy ang ibang kasambahay sa akin. “I know your starving. We should breakfast first before anything else." Mahigpit ako nitong hinawakan sa aking kamay at wala talaga itong pakialam kung pakaladkad ako nitong hinihila. Kaya para kaming mga tanga na naglalakad sa napakalaking pamamahay nito. Pansin ko rin ang ilang mga kasambahay na nagkandahaba-haba ang mga leeg kakasilip sa aming dalawa ni Dracula. Nang sa wakas ay makarating kami sa Dining area ay bigla akong naglaway dahil sa napakaraming mga pagkain. Hindi naman na ako nagulat kung ganito karami ang nasa hapag kainan dahil common na ito tulad ng sa amin. Lalo pa sa katulad kong pihikan sa pagkain kaya alam ni Mommy ang ayaw at gusto kong mga pagkain. Hindi na ako nahiya at naupo na kahit hindi pa nagsasalita si Dracula. Kapag ganitong gutom ako ay ayaw na ayaw ko pa namang kinokontra ako at baka masuntok ko lang sa mukha. Hindi ko na ito pinapansin basta ako ay sumandok na ng sumandok at pinuno ang malaki kong pinggan. Sarap na sarap akong kumakain na hindi inintindi ang nasa kapaligiran. Bahala siya sa buhay niya basta ako ay kumakain. Wala pa atang sampung minuto ay nasimot ko na ang pinggan ko at napadighay pa ako. “Excuse me!" sabay takip ng bibig ko. Hindi dahil nahihiya ako sa kaharap kong impakto kundi sa mga kasambahay na nakanganga na nakatingin sa akin. Sino ba naman ang hindi magugulat na sa kagandahan kong ito ay malakas kumain. Ako lang ito si Lily na dyosa. Tumayo na ako habang kumakain pa si Dracula. “Can i see my room now?" maarte kong tanong sa isang maliit na babaeng kasambahay. “Ah opo Ma'am. Halika po." masunurin itong tumalikod. “Magpahinga ka muna at mamaya na tayo mag-usap" biglang salita ng ulupong. “Kahit wag na tayong mag-usap habang buhay wala akong pakialam sayo!" matinding irap ang ibinigay ko rito sabay layas. Wala ako sa mood ngayon talaga kahit busog na ako. Gusto kong sakalin si Dracula ! Letseng araw na ito masiyado akong minalas. Masama ang mukha kong nakasunod sa kasambahay hanggang sa dalhin niya ako sa pinakataas na floor at may maraming kwarto. Kahit na mukhang luma ang buong castle na ito ay maganda at maayos naman pala sa loob dahil malinis at halatang alaga. Masiyado nga lang sinaunang tao ang style. “Ito po ang silid niyo Madam Lialyn, at ang nasa harap niyong kwarto ay kay master Draco po. Kung may mga kailangan pa po kayo ay pindutin niyo lang ang intercom sa tabi ng kama niyo at may pupunta po agad sa inyo." salita nito na nakatingala sa akin. “Okay thank you. By the way what's your name?" “Ako po si Nenita Madam." ngumiti ito sa akin at nakita ko ang sungki nitong ngipin. “Okay. Thanks Nenita. But don't call me Ma'am. Dahil parehas lang tayo ritong katulong. So you can call me Lily for short." ngumiti ako rito. “A-ahh ganun po ba. S-sige po Madam ay este Lily. Maiwan na po kita." yumuko muna ito at tumalikod na rin sa akin. Nang makaalis ito ay binuksan ko ang pintuan at bumungad sa akin ang malaking kwarto. Kahit na puro sinauna ang mga kagamitan at kama ay mukhang maayos pa at matibay. Napakalinis at mukhang mabango rin. Mabuti naman dahil super hate ko ang mabahong lugar at panget na nakikita. Nagulat pa ako ng makita ko ang backpack ko na nasa dulong bahagi ng closet. “s**t talaga oh. Nauna pa itong nakarating rito kesa sa akin." Si Dracula lang talaga ang may kagagawan ng lahat ng kamalasan ko sa buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD