***Niva POV*** PATINGIN tingin ako kay Marcus habang isa isa kong nilalagay ang mga dokumentong napirmahan na nya sa mga folder. Napapansin ko kasing parang matamlay sya at panay ang hilot sa sentido at bridge ng ilong. Mukhang may nararamdaman sya. Tumayo ako at lumapit sa kanya. "Are you okay, Marcus?" Nag angat sya ng tingin sa akin mula sa nire-review na dokumento at ngumiti. "Yes, I'm okay sweetheart.." Tumaas ang kilay ko at hinawakan ang noo at leeg nya. Medyo mainit sya. "May sinat ka." Turan ko. Ngumisi sya. "Sinat? Ako 'ko bata?" Natatawang saad pa nya. Inismiran ko sya. "Hindi lang bata ang pwedeng magkasinat, no. Wait, kukunin ko yung thermometer at kukuha ako ng gamot." Akmang tatalikod na ako pero hinawakan nya ang kamay ko. "Hindi na, Niva. I'm okay. Mawawal

