***Marcus POV*** "NO. This is impossible, papa." Umiiling iling na sabi ko habang hindi inaalis ang tingin sa mga lumang picture ni Niva. Picture nya noong bata pa sya na nasa edad sampu hanggang dose. Payat, may makapal na salamin at may brace. Malayong malayo na sa hitsura nya ngayon. "It's possible, Marcus. Lahat ng bagay dito sa mundo ay posible." Tumingin ako sa ama. Seryoso ang kanyang mukha. "Ang batang yan ay si Niva. Ang totoo nyang pangalan ay Valiana Deogracia Palencia. Apo sya ng yumaong philanthropist at businessman na si Don Martin Deogracia. Ang kinikilala nyang pamilya ngayon ay hindi nya tunay na pamilya. Matagal na syang ulila sa mga magulang. Nagpakamatay ang kanyang ina dahil sa depression at ang kanyang ama naman ay namatay sa aksidente. Ang nag aruga sa kanya

