***Jessie POV*** NATIGILAN ako ng makasalubong sa kalsada ang pamilyar na sasakyan. Tiningnan ko sa side mirror ang plaka nito. 'Si Owen yun ah!' Sinilip ko ang oras sa suot na relo. Alas nuebe pasado na ng gabi. 'Saan sya pupunta?' Dinampot ko ang cellphone na nasa dashboard at akmang tatawagan ang asawa pero natigilan ako. Lately napapasin kong may kakaiba sa asawa ko. Para syang may tinatago. May password na ang cellphone nyang dati ay wala naman. Pinapalampas ko lang yun dahil ayokong isipin nya na napapraning ako. Pero ramdam kong may tinatago talaga sya. Ayokong mag duda kay Owen. Wala namang nagbago sa pakikitungo nya sa akin. Hindi naman sya nanlalamig sa akin. Bagkus ay naging mas malambing pa. Mas uminit sa kama. Kaya walang dahilan para magduda. Pero iba naman ang sinas

