***Niva POV*** UMAWANG ang labi ko nang makita kung sino ang lumabas sa private elevator. Walang iba kundi si Tita Claudia. Nakataas ang noo nya at mataray ang bukas ng mukha. Sopistakada din ang kanyang dating sa ayos at pananamit. Alon alon ang kanyang mahabang buhok na kulay auburn. Hapit na hapit din sa kanyang katawan ang suot nyang maroon na dress na hanggang kalahati ng hita. Mababa ang neckline kaya halos lumuwa ang kanyang bilog na bilog na dibdib na halatang gawa. Halata ding sagana sya sa glutathione dahil hindi naman sya kaputian noon. Nagniningning pa sya dahil sa suot na mga mamahaling alahas. Tumiim bagang ako at kinuyom ko ang kamao kong nanginginig sa galit. Hindi ko inaasahan na makikita ko sya ngayong araw. Wala ring sinabi si Marcus na pupunta ang asawa nya. Gayunpa

