***Marcus POV*** "CLAUDIA!" Malakas na tawag ko pagpasok sa bahay. Sinalubong ako ng bagong kasambahay. "Good morning po, ser." "Ang Ma'am Claudia mo?" Tanong ko. "Nasa kwarto nyo po, ser. Tulog pa po." Tugon nya na hindi makatingin sa akin ng diretso. Napansin ko pa ang pagiging balisa nya. Tumalikod ako at malalaki ang hakbang na dumiretso sa hagdan. Pero biglang humarang ang kasambahay. Nagsalubong ang kilay ko. "Anong problema?" "Eh s-ser.. tulog pa po si ma'am. Ayaw po nyang paistorbo." "I don't care. Kailangan naming mag usap ngayon mismo." Turan ko at nilampasan ang kasambahay. Dito muna ako dumiretso bago pumasok sa opisina. Kakausapin ko si Claudia tungkol sa mga pinagsasasabi nya kay Daisy. Ayokong matulad ang anak ko sa kanya na may hindi magandang ugali. "S-Se

