***Niva POV*** "FINE. Tatanggapin ko na." Sambit ko at ngumiti kay Marcus sabay dampi ng halik sa kanyang labi. "Thank you so much, love. Sa totoo lang, nahihiya talaga akong tanggapin. Pero alam ko namang ipipilit mo pa rin sa akin yan. Aamin ko rin na excited na akong gamitin yan. And don't worry, iingatan ko yang kotseng niregalo mo. Lahat ng binibigay mo sa akin ay iniingatan ko." "I know, sweetie. Pero ang mas importante sa akin ay ang mapasaya ka." "Kahit hindi mo ako bigyan ng regalo, napapasaya mo pa rin ako, Marcus. Narito ka lang lagi sa tabi ko at pinaparamdam mo sa aking mahal mo ako, masayang masaya na ako. At mahal na mahal kita." Ngumiti sya at niyakap ako. "Mahal na mahal din kita, Niva.. Ikaw lang ang nagpapasaya sa akin." Yumakap din ako sa kanya at sinandig ko a

