***Marcus POV*** "NIVA, sweetheart!" Sigaw ko nang makita ang kotse ng nobya na nakasalpok sa poste ng kuryente. Yupi ang harapan ng kotse at basag ang windshield sa lakas ng impact ng pagkakasalpok doon. Tumakbo ako palapit sa nobya habang malakas ang kabog ng dibdib ko sa kaba at pag aalala sa kanya. "Move aside!" Sigaw ko sa mga taong nagkukumpulan. Nahawi naman sila at nakalapit na ako sa unahan. Kinakausap ng dalawang security si Niva. "Sweetie!" Tawag ko sa nobya. Tumabi naman ang dalawang security at hinayaan ako. Parang piniga ang dibdib ko ng makita ang nobya na nakasubsob sa airbag ngunit duguan naman ang ulo. "s**t! Niva!" Bahagya syang gumalaw at umungol ng mahina. Dumilat sya at tumingin sa akin. "M-Marcus.." Sambit nya sa nanghihinang boses. "I'm here, sw

