***Niva POV*** "SIR, here's your coffee." Malambing na untag ko kay Marcus at nilapag sa table nya ang kape. Tumingin sya sa akin at ngumiti. "Thanks sweetie.." Dinampot nya ang tasa ng kape at humigop. Umikot ako sa table at lumapit sa kanya. Hinawakan ko sya sa balikat at hinaplos haplos doon. Late na syang nakapasok at mukha pang stress kahit hindi naman halata dahil gwapo sya. "Are you okay, Marcus? You look stressed. May problema ba? Late ka ring nakapasok ngayon." Tanong ko. Bumuntong hininga sya at inikot ang swivel chair paharap sa akin. Humawak sya sa bewang ko. "May nangyari lang kahapon pag uwi ko sa bahay." "What happened? Ang papa mo ba?" Umiling sya. "No. Papa is fine. It's about Claudia and Daisy." Tumaas ang kilay ko. "Anong nangyari sa kanila?" Bumuntong

