***Marcus POV*** "DAMN it! Damn it!" Galit na malakas kong binayo ang table. Nagtalsikan ang mga ballpen at nalaglag sa sahig. "Marcus, calm down." Wika ni papa. "How can I calm down, papa? Nawawala si Niva at hindi natin alam kung nasaan sya." Parang guguho ang mundo ko sa binalita sa akin ng mga bodyguard ni Niva na nawawala sya. Nawala sa hotel na pinuntahan nya kung saan sya nakipag meet sa kliyente namin. Pumasok lang sya sa loob ng restroom at hindi na nakalabas. Para syang bulang biglang naglaho at wala kaming ideya kung nasaan sya ngayon. "Jusko! Nasaan na kaya si Niva? Panginoon ko iligtas mo po sya." Mangiyak ngiyak na dasal ni Nanay Fely na bakas sa mukha ang labis na pag aalala. Tumingin sa kanya si papa. "Huminahon ka, Fely. Ginagawa na ng mga pulis ang lahat para m

