***Niva POV*** PRESKONG presko ang pakiramdam ko paglabas ko ng banyo. Bagong shower ako at nakasuot ng oversized t-shirt na pantulog ko dito sa bahay ni Ante Val. Ready'ng ready na ako na i-video call si Marcus. And of course hindi lang usap ang gagawin namin. Miss ko na rin ang makipag sop sa kanya. Napangisi ako at tumingin sa wall clock. Alas nueve na ng gabi. Mga ten ko pa sya tatawagan dahil ang sabi nya kanina ay may inuwi syang mga papales at sa bahay na lang nya re-review-hin ang mga yun. Kaya malamang ay nasa study room pa sya ngayon. Umupo ako sa vanity mirror at kinuha ko sa drawer ang hair dryer para patuyuin ang buhok. Natigilan ako ng may kumatok sa pinto. Pinatay ko ang hairdryer at tumayo. Lumapit ako sa pinto at binuksan yun. "Bakit po, nay?" Tanong ko kay Nanay

