Slight SPG Alert! Brianna Lyn Cameron “I’m nervous, hon..” sambit ni Lucio. Hinigpitan ko naman ang kapit sa palad ni Lucio na hawak ko ngayon. Ramdam ko nga ang kaba niya na parang nagpapawis pa ang kamay. “Tsk. Ang lakas ng loob mong gawan ng paraan para masolo ako. Pati si Gab ay dinamay mo, tapos ngayon ay kakabahan ka? Come on!” Hinila ko ang kamay ni Lucio para maglakad na kami papasok at bitbit n’ya sa kabilang kamay ang maleta ko. Nandito pa lang kami sa gate ng Cameron mansion ay hindi na makagalaw si Lucio. Hindi ko alam kung pagtatawanan ko tuloy siya. Parang bigla siyang naduwag. Nag-confess rin kasi sa akin si Lucio tungkol sa ginawa niya kay Gabriel. Pinagalitan ko tuloy siya no’n at pinilit siya na humingi ng sorry kapag nakabalik na kami. Pero ewan ko dahil parang la

