Bing Fernandez Kanina pa ako nag-aabang kay Lucio mula nang iwan niya ako dito sa kama pero hindi na siya bumalik. Ilang minuto na ang nakalipas no’n. Mukhang hindi lang simpleng usapan ang nangyari kung sino man ang tumawag sa kanya. Nilibang ko na lang ang sarili sa paghimas kay Bingo habang nakaupo ako dito sa kama. Malinis na aso naman si Bingo at doon lang siya nag-stay sa doghouse dahil inamoy amoy ko siya at fresh pa naman kaya hinayaan ko na narito siya sa akin sa ibabaw ng kama. Pinaliguan ko siya noong isang araw lang. Ang sabi sa akin ni Lucio ay twice a month dapat pinapaliguan si Bingo. Pero dahil nainip na ako sa paghihintay kay Lucio ay naisipan ko na lumabas muna ng kwarto at dalhin si Bingo sa garden. Kahit masakit pa rin ang paglakad ko ay sige ang ako dahil tolerable

