Bing Fernandez “Kuya? Idaan mo muna ako sa bahay, please.” Naririnig kong reklamo ni Ma’am Ashley. “I can’t, Ash. Nagmamadali ako. Mag-taxi ka na lang!” Wala sa mood na sabi ni Sir Lucio. Halatang may galit na pinipigil. Hindi ko alam kung nasaan na kaming banda. Ilang oras na rin ang na-byahe namin matapos ang aksidente kanina kaya malamang na malapit na kami dahil marami na akong establishments na nakikita sa dinadaanan namin. “Fine. Dito na lang ako at mapapalayo pa ako kung dederetso ka na sa bahay mo.” sagot ni Ma’am Ashley. Agad na hininto ni Sir Lucio ang sasakyan sa gilid ng daan. “Sige na, Kuya…. Halatang mainit ang ulo mo kanina pa. Ingat sa pag-drive at mag-concentrate ka, please lang.” Mahinahon nang sabi ni Ash na nagtatanggal na ng seatbelt. Lumingon si Ma’am Ashley

