FINALE “Kinakabahan ako, hon.” Mahinang sambit ko. “Don’t be nervous, Bingbing ko. My family likes you so much. Nandito lang ako.” Hinimas pa ni Lucio ang beywang ko habang hapit nito. Kahapon lang ay ‘yon ang sinabi ko kay Lucio nang dinala ko siya sa mansion namin dahil kinakabahan siya. Ngayon naman at heto ako ngayon sa mansion ng magulang ni Lucio at ako naman ang sobrang kabado na ipapaalam namin sa kanila na nagkabalikan na kami at magpapakasal. Though alam ko naman na boto sila sa akin dahil hindi naman nila tutulungan si Lucio na kidnapin ako kung hindi nila gustong maging endgame kami. Wala nang problema sa side ko. Pati si Kuya Bennet ay kinausap ko na rin kahapon pa. Labis ang galit nito kay Lucio at alam ko naman na hindi instant mawawala ang galit na ‘yon. Pero ang sabi

