Bing Fernandez Napaiyak agad ako sa tanong ni Gabriel. Hindi ko kayang sabihin ang sakit na nararamdaman. Napahagulgol ako dahil bumabalik sa akin ang sakit. “Nasaan ka? Pupuntahan kita!” Galit na tanong niya. “Gab, hihintayin kita sa convenience store doon sa malapit dito sa village… Puntahan mo ko, please.” Pumipiyok na ako dahil sa labis na iyak na naman. Ngayon pa lang ay gusto ko nang sabihin kay Gabriel lahat ng ginawa sa akin ni Lucio. “Pupuntahan kita. H’wag na h’wag kang aalis do’n” Narinig ko na lang na ibinaba ni Gabriel ang tawag na hindi man lang ako hinintay na sumagot pa. Ramdam ko ang labis na pag-aalala niya. Ngayon ay sobrang na-aapreciate ko tuloy ang kaibigan ko. Kahit dati pa, protective na siya sa akin. Tumayo na ako sa kinauupuan ko. Nag-off ako ng cellphon

