Bing Fernandez Nagising ang kamalayan ko nang marinig ang tunog ng pag-vibrate ng cellphone. Sigurado akong hindi akin ‘yon dahil naka-silent mode ang phone ko kapag gabi. Sigurado akong may tumatawag. Naiihi na rin kasi ako at balak na bumangon pero tamad na tamad ako kahit ramdam ko ang pananakit ng pantog ko. Iniisip ko kung gagalaw ba ako para tingnan kung sino ang tumatawag kay Lucio. Sa tingin ko kasi ay wala pang alas singko ng umaga dahil ganitong oras ako nakakaramdaman ng pagkaihi sa umaga. Nakaramdan tuloy ako ng curiosity kung sino ang tatawag ng ganitong oras. Baka may emergency. Sobrang higpit ng yakap sa akin ni Lucio mula sa likod ko. Akmang babangon ako nang maramdaman ang marahan pag-alis ni Lucio ng pagkakayakap sa katawan ko. Sinasadya para hindi ako magising. Hang

