Lucio Del Fiero “Sweetheart, iinom ka na naman?” I heard Marjorie’s voice behind me. Nakaharap ako ngayon sa ref na kasasarado ko lang habang nagsasalin ng alak sa baso. I didn’t even bother to look back at Marjorie until she wrapped her arms around me from behind. Sinubukan kong tanggalin ang mga nakapulupot na kamay ni Marjorie, but she only tightened her embrace. Sinadya kong ihulog ang hawak na bote at pati na rin ang basong nasalinan ko ng alak dahilan para mabasag ang mga ‘yon. Alam kong posibleng marinig ng bagong kasambahay ni mommy na pansamantala ko munang hiniram para magsilbi dito sa mansion ko habang wala si Bing pero wala akong pakialam. Hindi man lang natinag si Marjorie sa ginawa kong ingay at mula sa pagkakayakap sa likod ko ay mas naramdaman ko pa na naglikot ang kama

