Chapter 20

1132 Words

Bing Fernandez “Sir Lucio!” Agad akong napasigaw at matapos ay natakpan ko ang bibig kong umawang ng malaki. Akmang hahawakan ko si Sir sa balikat para pigilan ay bigla naman nitong sinugod muli sa harap ang waiter. “Kuya!” “My God!” “Guard!” malalakas na sigaw sa loob ng restaurant. Nagkakagulo na sa paligid. Nakita kong nagsitayuan na ang mga taong naroon sa mesa kung saan napahiga ang waiter. Nakita ko na inundayan pa ng suntok ni Sir Lucio ang kawawang waiter. “Sir Lucio! Tama na po!” Malakas na sigaw ko! Walang may pakialam na sa awat ko dahil pati ang ibang mga customers ay natakot na rin sa sitwasyon. Ang iba ay napapasigaw. Nabibingi na ako sa pinaghalo halong sigaw dito sa loob ng restaurant Sobrang takot na takot ako ngayon. Dahil sa akin ay nagkaroon na naman ng gulo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD