Bing Fernandez “Ayyy! My goodness!” Bigla kong natakpan ng isang kamay ang bibig dahil sa katangahan ko. Ang isang kamay ko naman ay napahawak sa may balakang kong tumama sa kanto ng table. Napapangiwi ako sa sakit. Ilang sandali ay napaatras ako bago pa matapakan ang bubog dahil sa nahulog kong plato at baso na nabasag sa lapag. Ilang kasangkapan pa kaya ang mababasag ko dito sa mansion? Nandito ako sa kusina at nag-early dinner na. Alas singko pa lang pero kumain na ako para maagang makapagpahinga. Tutal ay hindi ko kailangan na magluto ng dinner para kay Sir Lucio dahil mamaya pa siya uuwi dahil sa pag-attend ng family gathering nila. At heto nga na maghuhugas ako ng pinggan… hawak ko ang plato dahil kakatayo ko lang mula sa table at ilalagay sa sink para deretso hugasan na ang pi

