Bing Fernandez Pumikit na si Sir Lucio. Tumikhim ako. “Ahh, Sir Lucio… m-mahiga na rin po kayo. Para makaidlip kayo at paggising niyo ay magiging okay ang pakiramdam niyo.” Malumanay na sabi ko. Sumunod naman si Sir Lucio at inayos nito ang higa. Ako naman ay naupo na sa gilid ng kama nito. Nakailang lunok pa ako bago buksan ang hawak kong oil. Kung hindi lang ako naaawa kay Sir Lucio ay hindi ko ito gagawin. Gusto ko lang talaga na guminhawa ang pakiramdam nito matapos maka-idlip. Pinahid ko ang mga kamay na nilagyan ko ng oil at dinampi sa sentido ni Sir. Pagkalapat pa lang ng kamay ko sa balat ni Sir Lucio ay parang nanginginig na ako na pinigilan kong mahalata ni Sir Lucio. Nakapikit si Sir Lucio kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na titigan muli ng malapitan ang mukha nito. “W

