KHIARA POV:
HAPON na naman, at dito ako nae-excite. Dahil uuwi na ako at makakasama ko na ulit ang aking tatlong bulilit.
A long and tiring day, sobrang toxic sa akin ng araw na ito, lunes na lunes sira na kaagad ang araw ko. Sigurado buong linggo ko, sira na naman.
At sa aking pag-uwi tiyak dito sasaya ang araw ko, pagkarating ko ng aming bahay, naabutan kong nakabukas ng kaunti ang aming pintuan.
"Knock! Knock!" nagkunwaring kumakatok ako ng pintuan kahit nakabukas naman iyon.
"Have you seen my babies?" sabay na napalingon sa akin ang triplets at nagtatatakbo habang humahagikgik silang lumapit sa akin.
"Mama!" si Akira ang nauna, at humalik sa akin, pangalawa naman si Fox na yumakap sa akin at pangatlo si Fin na nagpakarga naman sa akin.
Tanggal ang maghapong pagod ko sa trabaho dahil yakap at halik palang ng mga triplets ko pawi lahat ng pagod ko.
"Have eaten your snacks babies?"
"Yes Mama!" sabay sabay nilang sagot sa akin.
"Nasaan ang Tito Lawrence niyo, bakit kayo lang ang nandito? Hindi niyo dapat hinahayaan na nakabukas itong pintuan." sabay pisil ko sa mapipintog na mukha ng aking mga anak. Napalingon pa ako mula sa labas ng magsalita ang kapatid ko.
"Ate, nandiyan kana pala?" sabi nito habang may hawak itong ulam, na lulutuin ko naman para sa aming hapunan. Lumapit ito sa akin at nagbigay galang.
"Kumusta ang school Lawrence? Naku baka puro paggi-girlfriend na yang inaatupag mo ah!"
"Hindi po ate ngayon paba na gagraduate na ako? Nakita ko ang lahat ng sakripisyo mo para sa akin ate, kaya naman pinagbubuti ko sa school." ilang buwan na lang magtatapos na ang kapatid ko sa kurso nitong Engineering.
"Para sayo ito ate, proud ako sayo dahil kahit hirap tayo sa buhay nakuha mo akong pag-aralin. Kahit wala na tayong mga magulang ikaw ang tumayong Nanay at Tatay sa akin." kahit paano gumagaan ang loob ko dahil alam kong mabait at masunurin ang kapatid ko.
"Pinapaiyak mo naman ako eh! Sige na nga magbibihis lang ako saka ako magluluto. Tawagin mo narin mamaya si Aling Vivian." si Aling Vivian ang kasa- kasama ng mga triplets ko kapag nasa trabaho ako. Nasa tapat lang din ng apartment namin ito nakatira. Siya ang nag-aalaga sa mga ito buong maghapon habang wala pa kami ni Lawrence, at kapag hapon na uuwi narin ito sa kanila.
Pagkabihis ko sakto namang pagdating ni Aling Vivian.
"Aling Vivian, ito po yung sahod niyo ngayong araw, maraming salamat po ah sa pag-aalaga sa triplets ko. Bukas po ulit Aling Vivian." nakangiti naman ito sa akin.
"Naku wala yun, ikaw naman. Mababait naman ang mga anak mo kaya huwag kang mag-alala parang apo ko narin ang mga iyan." sabi naman nito sa akin.
Mabuti na lang at nakatagpo ako ng mga taong may mabubuting puso, kahit masakit magbiro ang tadhana swerte parin ako dahil sa mga anak ko.
Isang gabing pagkakamali sa buhay ko na hinding hindi ko makakalimutan, isang pagkakamali na hinding hindi ko pagsisisihan.
Sariwa pa sa alaala ko ang lahat apat na taon na ang nakakalipas..
"GULAY po kayo diyan, kakanin po bili na po kayo!" tawag pansin ko sa mga taong dumaraan sa harapan ko, nasa palengke ako dito sa lungsod ng Tuguegarao. Dito ako naglalako ng iba't -ibang klase ng gulay, may mga kakanin din at mga prutas.
"Ang sipag mo naman Khiara, sigurado malayo ang mararating mo sa buhay neneng dahil bukod sa maganda kana masipag kapa!" siya si Aling Lourdes ang may-ari ng pwesto ng gulayan kung saan ako nagtatrabaho. Alas kwatro palang ng umaga bumabangon na ako para pumunta ng palengke. Kapag alas diyes naman ng umaga out na ako para pumasok naman sa skwelahan.
Nasa fourth year college na ako, ilang buwan na lang ang bibilangin magtatapos na ako sa kursong Bachelor of Science in Criminology.
Bata palang ako hinangad ko nang maging isang pulis, dalawa na lang kaming namumuhay ng aking kapatid dahil mga bata palang kami naulila na kami sa magulang. Ang aking Tatay ay namatay dahil sa isang aksidente, naaksidente ito sa pinapasada nitong tricycle noon. Mag-isa kaming itinaguyod ni Nanay sa pamamagitan ng paglalabada niya.
Natatandaan ko pa dati palagi niyang sinasabi sa akin na kahit anong hirap ng buhay kailangan kong makapagtapos ng pag-aaral, gagawin niya ang lahat para makatapos kami ni Lawrence.
Nasa first year highschool palang si Lawrence noon at ako naman ay nasa first year college na noon. Biglang dinapuan ng sakit si Nanay, mahina na ang kanyang baga. Hindi ito nawawalan ng sipon at hindi gumagaling ang ubo nito. Huli na ng malaman namin na malala na pala ang sakit niyang tuberculosis. Hanggang sa tuluyan na siyang pumayat, nanghina at tulad ni Tatay ay tuluyan na niya kaming nilisan.
Naging mahirap ang buhay naming magkapatid, pero nagsumikap ako. Tumigil muna ako ng isang taon para magtrabaho, pumapasok ako bilang cashier sa isang grocery store sa lungsod at ume- extra din akong waiter sa isang bar kapag gabi.
"Ate kaya mo paba?" tanong sa akin ni Lawrence isang gabi pag-uwi ko galing ng bar.
"Huwag kang mag-alala kaya ko pa, kaya ikaw pagbutihin mo ang pag-aaral mo ok? Mag-iipon lang ako, tapos next year itutuloy ko na ang aking pag-aaral."
"Ako nalang kaya ang tumigil ate, tutal highschool palang naman ako. Ikaw dapat ang mag-aral dahil college kana."
"Hindi, hindi ka pwedeng tumigil Lawrence. Kaya kitang pag-aralin, madiskarte kaya itong ate mo." sabi ko naman sa kapatid ko.
Nagpatuloy ako sa aking mga raket, sumasali din ako sa mga beauty contest sa lungsod ng Tuguegarao at maging sa mga kalapit na bayan ay dumadayo kami. Si Mommy V ang naging manager ko na siya ring nagpasok sa akin sa bar kung saan ako nagtatrabaho bilang isang waitress.
"Ayan ang ganda-ganda mo Khiara. Tiyak taob naman ang mga kalaban mo dito. Galingan mo ah, para naman malaki ang komisyon ko sayo. Aba, halos ako lahat ang gumagastos sa lahat ng panga- ngailangan mo noh!"
"Mommy V naman, alam mo naman sapat lang ang kinikita ko sa mga raket ko diba?"
"Bakit kasi hindi mo subukang makipag- table, sigurado malaki- laking halaga ang makukuha mo!" palagi nitong sinasabi sa akin na makipag- table daw ako. Pero hindi kakayanin ng sikmura ko. Kahit papaano may dignidad parin ako na kailangan kong alagaan.
"Mommy V, ayaw ko! Alam mo na ang sagot ko diyan." muling sambit ko dito.
"Hay naku Khiara , hindi ka bubuhayin ng prinsipyo mo na iyan! Subukan mo lang naman makipag- table, hindi ko naman sinabing ibenta mo yang katawan mo." panggigiit pa nito sa akin.
"Heto na naman tayo Mommy V eh, basta ayaw ko! Hinding hindi ko ipapalit ang puri ko sa kakarampot na kikitain ko diyan. Kuntento na ako sa pagiging waiter ko dito." kahit anong pilit nito sa akin, hindi ako pumayag. Hindi maatim ng sikmura ko manggagaling sa masama ang ipapakain ko sa kapatid ko.
"Ate kumusta ang lakad mo, nanalo kaba?" excited na tanong sa akin ni Lawrence pag-uwi ko.
"Surprise!" sabi ko dito habang may hawak akong isang supot ng pansit at letsong manok.
"Akala mo nakalimutan ko ang birthday mo noh, hindi pwedeng wala tayong handa. Pasensya kana dahil ito lang ang nakayanan ni ate, sa susunod may cake na tayo." masaya kong wika dito.
"Nag-abala kapa kasi ate eh, pwede namang walang handa."
"Alam mo ading may ipon na ako kahit kaunti, makakapag-aral narin ako. Next week mag-eenrol na ako."
"Talaga ate? Yehey sabay na tayong mag-aaral." masayang masaya kaming magkapatid. Kahit sa mga simpleng bagay lamang nagiging masaya na kami.
Nagpatuloy nga ako sa aking pag-aaral, ito ang pangako ko kay Nanay noon na kailangan kong makapagtapos sa pag-aaral kahit anong mangyari.
Laking tulong din sa akin na nakakuha ako ng scholarship galing sa Cervantes Realty. Balita ko taga Maynila daw ang mga ito ngunit marami silang mga negosyo dito sa Tuguegarao. Noon pa man ay nagbibigay na sila ng mga scholarships sa mga deserving na mga estudyante na walang kakayahan para makapagtapos ng pag-aaral.
At isa ako sa mga mapalad na nakakuha ng scholarship, dahil sa taglay kong katalinuhan pinagbuti ko pa ang aking pag-aaral para manatiling matataas ang aking mga grado.
Agaw pansin din ako sa school dahil maraming nagsasabi na maganda daw ako, matangkad din ako sa height kong five feet and eight inches. Kaya naman sa tuwing sasapit ang foundation day namin kinukuha nilang pambato ng department namin para isali sa beauty and brain contest sa lahat ng mga departments sa school.
"Wow ah, ang galing-galing mo naman Khiara. Ikaw na talaga, beauty and brains nasa sayo na ang lahat. Hay sana all nalang kami." sabi naman ng aking mga kaklase, may ibang hindi boto sa akin dahil feeling nila inaagawan ko sila.
Nasa third year college na ako noong minsan ipinatawag ako sa office ng Admin.
"May nakarating sa aming balita na nagtatrabaho ka daw sa isang bar Miss Querubin!" bungad kaagad sa akin ng Admin.
"Hoh!" gulat na gulat ako.
"Ma'am, Sir, mali po kayo ng iniisip. Nagtatrabaho po ako bilang waiter hindi po bilang entertainer." pagtatanggol ko sa aking sarili.
"Kung ganoon totoong sa bar ka nagtatrabaho?"
"Opo, umeextra po akong waiter ma'am."
"Hindi mo ba alam na hindi tanggap sa paaralang ito ang trabaho mo? May nakarating sa amin na nakikipag- table ka daw sa mga costumers ng bar!"
"Ma'am hindi po totoo yan, parang awa niyo na po, huwag niyo po akong tanggalin dito sa school. Ma'am please po, wala po akong ginagawang masama. Maniwala po kayo sa akin, waiter lang po ako doon, ma'am maniwala po kayo sa akin." pagmamakaawa ko sa kanila.
"Huwag kang mag-alala dahil hindi kapa naman namin tatanggalin dito sa school. We need a further investigation at kapag nalaman namin ang totoo I'm sorry to say Miss Querubin but you have to leave this school."
Bagsak ang mga balikat ko na naglakad pabalik ng classroom namin.
May mga estudyanteng nakataas ang kilay pagkakita sa akin.
"Nandiyan na yung pokpok, tumabi kayo dahil baka mahawaan pa tayo ng kakatihan niya!" humahagikgik pang sabi ng isang estudyante na kagaya ko rin na kumukuha ng Criminology.
Ang sakit-sakit isipin na may mga taong mapanghusga, porke't sa bar na ako nagtatrabaho ang sama- sama na kaagad ng tingin nila sa akin.
"Khiara huwag mo na silang pansinin, mga inggit lang sa beauty mo ang mga iyan tse!" sabi sa akin Trixie habang tinaasan niya ng kilay ang mga ito.
"Hoy mga judgemental, akala niyo naman ang lilinis niyo? Tsk.tsk. matakot naman kayo sa ginagawa niyo!"
"Eh totoo naman diba, nagtatrabaho sa bar yang kaibigan niyo. So anong tawag dun, diba pokpok? Nagbebenta ng katawan, ewww.." nang bigla na lang sinugod ni Trixie at ni Stella ang mga ito.
"Guy's awat na! Huwag niyo nang patulan ang makitid nilang pag-iisip!" saway naman sa kanila ni Halter, college palang kami siya na ang naging tagapagtanggol ko. Nagpahayag din ito sa akin ng kanyang nararamdaman pero wala pa sa plano ko ang pumasok sa isang relasyon. Mga bata palang kami, at priority ko talaga ang pag-aaral ko. Inilagay ko na isipan ko na hindi pa naman huli ang lahat para sa mga ganyang bagay.
Naipaliwanag ko na sa kanya iyon, at laking pasasalamat ko dahil naiintindihan niya ako. Nagsagawa nga ng imbestigasyon ang paaralan kung saan ako nag-aaral. Mabuti na lang at hindi ako napatalsik sa skwelahang iyon.
Sobrang saya ko, dahil napatunayan nilang talagang waitress lamang ang trabaho ko doon.
Nagpatuloy ako sa aking pag-aaral, at ganoon din ang aking kapatid. Hindi ako tumigil sa aking mga raket, kung minsan din tumatanggap ako ng mga magpapagawa sa akin ng mga school projects pandagdag din sa baon naming magkapatid.
Nasa fourth year college na ako, lalo pa akong nagsumikap sa aking pag-aaral. Hindi pwedeng mabigo sa akin ang mga Cervantes sa pagbibigay nila sa akin ng scholarship. Maraming gastusin lalo pa't magtatapos na ako, kaya dobleng pagsusumikap pa aking ginawa.
Madaling araw pa lang gising na ang mga tao sa aming lugar para maghanap buhay.
"Ate alas tres pa lang ng madaling araw ah, aalis kana?" tanong sa akin ni Lawrence isang umaga habang naghahanda na ako papuntang palengke, bumangon ito at ipinagtimpla niya ako ng kape.
"Kailangan ading eh, kulang yung pera natin. Hindi kakayanin para sa finals ko." hindi naman makasagot sa akin si Lawrence. Alam kong awang-awa na ito sa akin, pero wala naman akong magagawa. Mas maganda na ito nagsusumikap kaysa naman humingi kami ng tulong sa iba naming mga kamag-anak.
Hindi ka na nga nila matulungan, pagsasalitaan kapa nila ng masasama. Kaya kahit kayod kalabaw, gagawin ko makaraos lang kami ng kapatid ko.
"Pasensya kana ate, kung may magagawa lang sana ako."
"Huwag mong isipin iyon ading, basta hangga't maaari walang titigil sa atin sa pag-aaral. Nakaraos tayo ng maraming taon, ngayon paba kung kailan ga- graduate na ako. Magiging isang pulis ako, tatandaan mo yan, at ikaw magiging engineer ka balang araw." ganito kami palagi ng kapatid ko.
"Sige na ading bumalik kana muna sa pagtulog, aalis na ako. Ako nang bahala na magsara ng pinto."
Tuwing umaga ganitong set up kami ng kapatid ko, gigising ako, ipagtitimpla niya ako ng kape saka siya babalik sa pagtulog dahil alas siyete naman ng umaga ang pasok niya. Pagkauwi ko ng bahay wala na ito, dahil pumasok na siya sa school, at kapag alas nuwebe na ng umaga ako naman ang papasok sa school.