••• Dennis Ngayon ko lang napansin ang nakaimprinta sa asul na damit na suot ko. Isang alimango.  Habang naglalakad pabalik sa building ay pinaliwanag ko ang sitwasyon ni Dhanny sa magsyota. "Kawawa naman pala siya" malungkot na sabi ni Joey, "Lalaki yung bata na akala niya dark chocolate talaga ang nakahalo sa dinuguan" "Ang hirap naman basagin ang mood niya dahil nasarapan talaga siya dun da pagkain" sabi naman ni Karim habang naka akbay kay Joey. Nakakatuwa naman na di na ako nakakaramdam na may pagnanasa parin siya sa akin. "Gustong gusto niya ang kumain, matakaw talaga si Dhanny" sabi ko naman. Huminto kame dito sa may unang floor, dahil ang classroom nila ay nasa unang bahagi lang ilalim nitong hagdan tabi ng elevator. Nagpaalam na ako sa kanila at dumeretso na rin sa taas,

