••• Joey BIYERNES. Naninibago ako sa baklitang to, kanina pa aya ng aya sa canteen. Breakfast. Lunch. Meryenda. Ultimo ngayong uwian na, dumaan kame ng palengke, para mamili ng rambutan. "Hoy naglilihi ka ba, andami naman niyang kinuha mo" tinitigan niya ako mg masama. "Ba't ako maglilihi hindi naman ako buntis," parang robot na tamad na sagot niya. "Hehehe sabagay, sino ba naman kaseng buntis" humarap siya sa akin hawak hawak ang isang pirasong rambutan at dinurog niya to sa kamao niya. "Pake ko kung buntis siya! Magsama sila!" binato niya sa daan yung mga balat ng rambutan at sinubo lang bigla yung kaman. Hala, may buto kaya yun. Pero nagalala ako ng lunukin niya. "Brader wala naman akong sinasabing buntis," pagpapakalma ko sa kanya, habang kumukuha narin mg rambutan. Ngin

