WAKAS

2357 Words
WAKAS FATE 21 years earlier… March 12. ~*~ "Papang! Handa na po lahat!" masiglang sambit ni Shiloau. "Go to the car now! Hep hep! In the backseat! I won't allow you to drive this time." Napakamot sa kanyang ulo si Shiloau. Nakasimangot itong sumakay sa back seat at binuksan ang bintana ng kotse. Nagbabakasakaling baka magbago ang isipan ko. Tinawanan ko ito bago buhatin ang flowers. "Papang. Maalam naman na po akong magdrive. Ako na po ang magmamane---" "Zipper your mouth, Shiloau. Hindi ko hahayaang maulit ang nangyari last month. Baka ibangga mo ulit ang kotse." "Pero pa---" "That's my final decision." Umikot ako para makapasok sa driver seat. Inayos ko ang side mirror bago lumingon para tignan ang nakakatuwang mukha ni Shiloau. "Be good. Susunduin natin ang mama mo at ang kambal mo." "Sasama sila?" "Yup. Kaya ako ang magddrive kasi diba sekreto natin na natuto ka ng magdrive?" Tumango ito. Tumawa akong muli bago sinulyapan ang flowers. That's perfect, that's her favorite flowers. Nagsimula akong magmaneho. Tahimik lang ako habang pinapatugtog ang kanta ng Westlife. "Omg! Papang nakalimutan ko ang camera!" natatarantang ani Shiloau sa kalagitnaan ng traffic. "Huh?! Eh iyon ang pinakaimportante." "Balikan natin." "Traffic na oh." Napapreno ako nang muntik na kaming Mabunggo sa kotseng nasa unahan nang umusad ng kunti ang traffic. "Hala! Ibabangga mo ba ang kotse!? Isusumbong kita kay mommy!" Napatampal ako sa aking noo. Argh not again. Ayokong nasesermunan ni Farah. "Sshhh. Hindi ko ibabangga. Itong naunang kotse ang babangga saatin," making excuses as if he will buy the obvious. Nanatili kami roon ng dalawang oras bago mawala ang traffic. Dumiretso kami sa school nina Sheila. Tinignan ko ang kambal na magkatabi itong nakaupo at tahimik sa back seat. Tanging flowers lang ang nakalapag sa passenger seat. "Hihintayin natin dito ang mommy niyo bago tayo dumiretso." "Papang, ayusin mo po ang necktie niyo. Pagagalitan ka niyan ni mommy pag nakita niyang ganyan iyan," nakalabing sabi ni Sheila. Tinignan ko ang necktie ko at nakitang hindi maayos ang pagkakatali nun. Of course, hindi ako sanay na ako ang gumagawa nun. It always remind me of her. Everything reminds me of her. Tahimik lang akong nagmamaneho. Hindi din naman ako kinakausap ng mga bata. Masama lang ang tingin ni Farah sa akin habang masamang nakatingin sa necktie ko. Napatagal ang titig nito sa flowers kaya napatingin din ako roon. "Dala mo ba ang guitar?" tanong na lamang nito. Tumango ako bago ipinarke ang kotse sa gilid. Ang sementeryo'y hindi na bago sa mga inaanak ko dahil kada taon bumibisita kami dito. Pagdating namin ay tumakbo kaagad sila sa kanilang daddy na nauna na dito at naglalapag ng blanket. "Tinuruan mong magmaneho si Shiloau diba? Nalaman ni Voss iyon. Kaya ang loko gusto na ring turuan si Sheila. Naku Yuan, ayokong lumaking matitigas ang ulo ng mga anak ko ha. Pinagbibigyan ko lang silang manatili sayo kapag weekend dahil alam kong mag-isa ka lang sa mansion niyo every weekend." Tinawanan ko lang ang sermon ni Farah. "Oh bakit? Under ba si Voss sayo? Sa pagkakaalam ko mas under si Farah---" "B-Bakit! Wala ba akong karapatang suwayin siya?" "Bakit nauutal ka?" Sino bang mag-aakala na magkakatuluyan nga si Farah at Voss? Nagkaanak pa ng kambal. Binuhat ko ang flowers at kinuha ang guitar ko. "Kulubot na iyang mukha mo pero sa tuwing nakikita ko 'yang pagmumukha mo hindi ko maalis sa sistema ko ang lahat ng kasalan mo sa kaibigan ko!" Inis na inis na si Farah kaya tinawanan ko siya. "Oh bakit? Porket hindi ka pa tumatanda?" "YUAN! ANO BA YANG PINAG-AAWAYAN NIYO NI FARAH! HALI NA KAYO!" sigaw ni Voss sa amin. Inismiran ako ni Farah at nagpatuloy sa paglalakad. Nauna pa ito sa akin. Tumawa ako nang malakas para asarin pa lalo ito. Binato ako ni Voss ng kanyang sapatos ngunit nakailag kaagad ako. "Huwag mo ngang inaasar si Farah! Ikaw talaga, Yuan. Di ka na nga nag-asawa di ka pa nagtanda!" ani Voss. "Give respect dude. Nasa sementeryo tayo---" "Nangaral ang gago." Tumawa nang malakas ang kambal kaya ngumiti lang ako. Inilapag ko ang bulaklak sa lapida ni Devina. "Papang..." tawag ni Sheila. "Sshh. Wag niyo muna isturbuhin ang ninong niyo. Manghaharana iyan sa patay," si Voss. Nakarinig ako ng sapak kaya humahalakhak akong napalingon sa gawi nina Voss. Nakatanggap ng sapak si Voss kay Farah. Inayos ko naman ang upo ko at ang guitar. First time I laid my eyes on her, I did believed that it was destiny. We are destined to meet and fated to love each other. I always ask myself about fate. Kung bakit kinakailangan pa nitong maging malupet kung tama naman ang panahon. Tama nga ba? O hindi ko sinunod ang landas na nais nitong tahakin ko. For me it was better to have a child with another girl, it doesn't matter if I hurt my beloved wife as long as I can have a child to raise. As long as I can please myself. Those thoughts blinded me. Masyado akong nabulag. I lost myself. I can't even recognize myself. Hindi ko maintindihan kung bakit nagkaganun ako... sobra ko naman siyang mahal ah? She taught me to look back. Lumingon ako... at nakita ko iyong naiwan ko. Ang taong pinakamahalaga sa akin noon na pinangarap ko simula pa noong una'y iniwan kong sugatan at nasasaktan, mag-isang lumalaban. Is it always my luck? O talagang nakatadhana na talagang mangyayari ang lahat ng ito. Of course it is our fate. Hindi kami magkasundo noong una. Palagi akong itinataboy dahil mahilig akong makipag-away. I am playing the role of being the bad boy and she's playing her role as the angel of the campus. She's so focus on her studies. Madaming nabubusted at hindi kailanman nakapagboyfriend dahil binabantaan ko lahat ng lalaking nagkakaroon ng lakas na ligawan siya. If having her is a blessing, it is fate... no, It is God who planned for everything. I started strumming my guitar. I am never getting younger. Pero ang mahalaga tumatanda akong nararamdaman pa rin siya. She's always with me. She's guiding me. She's looking after me. At nararamdaman ko na sakali mang dumating din ang araw na ako'y lilisan din, magkikita at magsasama ulit kami. Just a smile And the rain is gone Can hardly believe it (yeah) There's an angel standing next to me Reaching for my heart Sobra ang saya na naramdaman ko noong napansin niya din ako. Kahit alam kong ayaw niyang tanggapin na may pagtingin din siya sa akin masaya pa rin akong nagmumukhang desperado na makuha siya. Nagpatuloy ako, nagpatuloy dahil nakita kong tanggap niya ako kung ano ba talaga ako. Sa kabila ng pagiging pala-away ko, pagiging gago at hambog minahal niya ako. At iyon ang naging dahilan kung bakit ipinangako ko sa sarili ko na siya lang hanggang sa huling hininga ko. Just a smile And there's no way back Can hardly believe it (yeah) But there's an angel And she's calling me Reaching for my heart Hindi niya ako kusang binago. Pero binago ko ang sarili ko para mas lalo akong maging malinis. Gusto kong ipagmalaki niya ako. "Bakit ba? Iniisip mo ba na nagustuhan lang kita kasi gusto mo ako? Bakit pa kita sinagot kung hindi kita mahal? Kung hindi ko gusto ang lahat sayo, Idiot!" Ang sinabi niya nang hindi na ako nakikipag-away at hindi lumalaban kapag may gustong yumaya sa aking makipaglaban. Nabaliktad ang sitwasyon. Siya ang naging protector ko, at naging duwag ako dahil takot na baka ay maturn off siya sa akin. I know that I'll be okay now This time it's real Tinupad ko. Ikaw ang aking una at huli. Thank you for teaching me, baby. You taught me to keep my promises. Because promise can't be fulfilled if you aren't going to keep it. Walang kinalaman doon ang tadhana. Walang kinalaman doon... kasi kung meron ano pang laban ko kung ito na mismo ang gagawa ng paraan para hindi ito matupad. Hindi naman palaging napapako ang pangako. Sadyang minsan umaayon ito sa panahon at sitwasyon. Pero palaging nakadepende sa taong nangako. I lay my love on you It's all I want to do Every time I breathe I feel brand new You open up my heart Show me all you got And walk right through As I lay my love on you Tanda mo iyong panahong nagpropose ako sayo? Grabe iyong iyak mo nun. Eh iyong panahong pinakasalan kita? Doble ang iyak mo. Pero hindi ko makakalimutan ang mga panahong pinakasalan ulit kita, pinakasalan ulit... at pinakasalan... papakasalan ulit sana. Alam mo kung gaano ako nasaktan ng inilihim mo sa akin ang iyong pagbubuntis? Iyon ang buwan, at taon na palagi akong nasa abroad dahil sa proyekto ng kompanya. At ang dahilan ng aksidente ay nang makita kang muntik nang magahasa ng isang lasinggero. Hindi mo alam kung anong naramdaman ko noon. Pinaghalong sakit, inis, galit, kaba at pasasalamat sa Diyos dahil hindi natuloy. I was lost in a lonely place Could hardly believe it (yeah) Holding on to yesterdays Far, far too long Now I believe it's okay cause This time it's real Tanda mo iyong sandaling tatalon ka mula sa rooftop ng hospital? I thought I was going to lose you again. But it's fate again. It is God's plan again. We meet and understand each other as we forgive and forget. Takot. Iyon ang naramdaman ko noong sinubukan kang kunin ng tadhana sa akin. Noong sinubukan kang ilayo ni mommy sa akin. Ikaw na lang talaga ang pangamba ko sa mundong ito. Pero lumaban ako. Lumaban tayo. Kinaya natin. We fought together so we won against them. Naramdaman ko ulit iyon noong nalaman kong may malala kang sakit. Gusto kong ipalit ang sarili ko sa sitwasyon mo at akuin lahat ng sakit na nararamdaman mo. You don't deserve those pain. You deserve the best. I lay my love on you It's all I want to do Every time I breathe I feel brand new You open up my heart Show me all you got And walk right through As I lay my love on you I never new that love could feel so good [Strumming] Oo. Sobrang sarap magmahal. Lalo na kapag alam mong parehong silakbo ng damdamin, init at pagmamahal ang iginaganti sayo. Kung alam ko lang na ganito ang tadhana nating dalawa, ginawa ko na ang tama. Pero kaya inimbento ang tadhana dahil walang perpekto sa mundo. Dahil para matuto. Walang saysay kung alam mo ang tadhana mo, hindi ka machachallenge. Let's face the reality. It sucks. Lahat ng bagay na ayaw mong mangyari sayo ay nangyayari. Lahat ng bagay na hindi mo inaasahang mangyari ay mangyayari. Every thing goes the other way around, taliwas sa gusto mong mangyari. Like a once in a lifetime You change my world I lay my love on you It's all I want to do Every time I breathe I feel brand new You open up my heart Show me all you got And walk right through As I lay my love on you But everything becomes perfect when I believed in my fate. When I have strengthened my faith in God. You are a miracle. You are the best thing that have ever happened to me. You are so good to be true. Years ago I want to end our story and leave it in a good state. I know how you love fairytale but baby we are no prince and princess. But you will always be my queen. You will always be my one and only baby. The light of my life. My little Deviana. The jolly one, not the intimidating. I will always love you. I love you with all my heart, baby. Thank you for being here by my side through ups and downs. Thank you because you kept your promises as, our vows. "I, Devina Lalaine V. Guerrero, take thee, Yuan Harris Almirante, to be my wedded husband, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death do us part, according to God's holy ordinance, and there is to I pledge thee my faith." I think I am madly smitten... I fall over and over and over and over again yet I love this feeling. As I lay my love on you… "Happy 47th Anniversary, baby. Loving you is the best feeling in this world... Kumusta ka na dyan? Andami ko pang gustong ikwento sayo dahil kakagaling ko lang noong nakaraang buwan sa Hongkong at Barcelona. Nagustuhan mo ba ang pagkanta ko sayo? Iyan yung pinangharana ko noong nanligaw ako. Iyan din ang theme song ng kasal natin. Pasensya ka na kung hindi maayos ang necktie ko. Alam mo namang nasanay akong ikaw ang gumagawa nun. Pero sinuot ko ang paborito mong kulay ng coat ko. Kaso di ata bagay sa akin. Andami ko pa atang wrinkles…" Napahawak ako sa aking noo. Umihip ang malakas na hangin. Saka ko naramdaman ang mainit na haplos ng hangin. Tila ako'y niyapos. If it is you, please hold me tightly. I want to feel the warmth of your embrace. "Magmula ngayon araw-araw akong dadalaw. Ako na pala ang nag-aalaga sa mama mo. Magkasama sila ni mommy. Mabuti na lang at nagkakasundo na sila... Kung nandito ka lang sana tatlo na kayong inaalagaan ko... Para na rin akong nag-aalaga ng mga pasaway na bata." Tumawa ako bago haplusin ang lapida niya. Huminga ako nang malalim. Naiiyak kong inalala ang imahe ng pinakamamahal ko. "If only fate is kind enough to let us meet even just for one second... I will stare at your smile and eyes. Your eyes that tell me how beautiful it is to be in love. And your smile that always assures me that I am protected by you. That you are always happy when I am with you." 'If only fate is kind enough to let us meet even just for one second. I will kiss your lips once again. Your lips showed me the real taste of happiness and success... that I owned you, forever.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD