KABANATA 9
GOODBYE 1
Magiging malupet ang tadhana kapag pinipili mong manatili sa iisang pwesto. Kaya nga ang sabi nila kailangang humakbang para makamit ang inaasam. Sasang-ayon lang ang tadhana kung kailan sumuko ka na. At ang mahirap, lumalaban ka pero wala nang paraan para magtagumpay ka ulit. Dapat tanggap mong natalo ka.
We used to be a fighter but tend to surrender when we saw there's no hope. We used to be a loser but tend to fight when we saw there's another hope. Vice versa. You can't win when your own enemy is your fate, time and yourself. You can't win the game when you tend to show your ace. Be wise.
What if two against the world? That's okay. At least they tried fighting for each other. At least they have enough time to show how sincere they are to each other. But it's not similar to my case. We fought together but destined to lose each other. We fought over and over until we've reached the end but never won against the world, against our fate and time. We will part our ways. We will take different paths. Hoping to meet again and seeks to be reunited again in the next life.
Reality sucks. I always wanted to live a life like a fairytale come true. With him, with Yuan Harris Almirante. My one and only baby. He is the most beautiful gift I have ever had and received. The most beautiful light I have ever seen. The most beautiful thing I'd always wanted to keep. The beautiful scenery I always wanted to see and witness. The most beautiful wish I always wanted to come true.
Sana nakilala ko na lang siya nang mas maaga. Sana simula pagkabata kasabay ko siyang lumaki. Sana mas tumagal pa. Sana magising ako isang araw na panaginip lang pala ang sakit ko. Sana magising akong matanda na kasama siya. Ang daming sana na hindi kailanman nasagot. Ang daming sana na hindi kailanman nagkatotoo... At hindi magkakatotoo.
Nagising ako nang mapayapa. Ang gaan ng pakiramdam ko. Idinilat ko ang aking mga mata at nasilayan ko ang maamong mukha ni Yuan. Dilat na dilat ang mga mata habang nakatitig sa akin. Natulog pa ba 'to?
"Good morning, Mrs. Almirante," bati niya sa akin.
"Good morning, Mr. Almirante," paos kong bati pabalik.
He chuckled a bit before crouching to kiss me on my lips. Kinagat ko ang labi niya kaya mas lalo itong tumawa.
"Why are you laughing?" medyo inis kong tanong.
"Hindi ka ba nag-aalala na baka mabaho ang hininga mo?"
Agad kong inamoy ang hininga ko pero tumawa ulit ito.
"Loko!"
"Hahaha kahit panes pa 'yang laway mo hindi ako magsasawang halikan ka."
Inismiran ko ito. Napatitig ako sa camera. Naka on iyon!
"Vinivedyuhan ko ang sarili natin. Gusto kong may kopya ako sa bawat segundong kasama kita."
Ngumiti ako sa camera bago dumila.
"SI YUAN DI MARUNONG HUMALIK HANGGANG NGAYON!"
Tumawa ako nang makitang sumama ang timpla ng mukha niya.
"LOUSY KISSER. NAPATUNAYAN KO YA—"
"Gusto mo lang magpahalik ulit eh," ganti naman nito.
"Sus lousy kisser ka nga! Syempre gusto ko masarap ka naman humalik este hindi ko gusto." Humalakhak ito bago ako kiniliti.
"S-Stop it!"
"Lousy kisser pala ah." At muli akong kiniliti.
We spent seven hours laughing with each other. Nagukkwento o di kaya gumagawa ng kalokohan. Pagsapit ng hapon pumayag na ang doctor na palabasin ako. Ang daming lugar na pinagdalhan niya sa akin. Pero iisang lugar lang ang gusto kong puntahan namin. Ang lugar kung saan ko siya sinagot noon. Sa tabi ng dalampasigan kung saan kitang-kita ang papalubog na araw.
"Naaalala mo pa ba 'yong araw na sinabi kong naligaw ako rito?" tanong ko sa kanya habang nakatanaw sa malayo.
Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagtango niya. Napangiti ako. Naaalala ko ang pinagsimulan ng lahat. Napakasaya nun. Kung maaari lang bumalik sa nakaraan ay ginawa ko na.
"'Yong araw na akala ko kung ano na ang nangyari sayo. 'Yon pala sinet up mo ako bago mo ako sagutin."
Humalakhak ako sa sinabi ni Yuan. Tunog nagtatampo ang hari!
"Wala kasi akong maisip na matino nun." I chuckled.
"Dito rin ang first kiss natin. Dito mo ibinuhos ang lahat ng hinanakit mo para sa akin. Ang lugar na ito ang saksi sa lahat."
Napabuntong hininga ako. Ito nga ang saksi sa lahat. Halo-halong mga ala-ala.
"Gusto kong habang buhay na lang manatili sa lugar na ito. Hindi ako magsasawang panoorin ang paglubog ng araw," mahina kong sambit.
"Gusto ko ring manatili rito kasama ka. Andami kong gustong sabihin. Pero hindi ko kayang isa-isahin..."
Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Doon lamang ako nakahinga nang maluwag. Parang nawala lahat ng pasan ko sa aking balikat. Tumungo ito para matignan ako sa mata. Ang mga matang iyon ang nagpakita at nagpamulat sa akin kung gaano kaganda sa pakiramdam ang magmahal.
"You are the most beautiful thing that have ever happened to me, " he said with sincerity.
My heart beats faster. Those words made me happy.
"And so you do," napapaos kong tugon.
Napangiti nang malapad ang asawa ko. I wanna see him wear his usual smile but maybe this will be the last time I'll witness it.
"Tanda mo ba ang kantang ginamit mong pang harana?" nagsalita ulit ako.
"Gusto mo bang kantahin ko sayo?"
Umiling ako.
"Alam mo ba ang kantang Goodbye?"
"Goodbye by Air Supply?"
"I don't want to let you down... I don't want to lead you on…" Kumanta ako para sabayan niya ako.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Gusto ko nang pumikit pero ayoko pang umalis. Gusto ko pang manatili pero unti-unti akong nawawala. Oras na ata.
"Hold me tightly, Yuan. Gusto kong maramdaman ang init ng mga yakap mo," nanginginig kong sambit.
Isang mahigpit na pagyapos sa akin ang naramdaman ko pero parang mas lumalamig pa ako lalo. Hindi ko mapigilang manginig at mapapikit.
"I-I don't want to hold you back. From where you might belong... You would never ask me why, My heart is so disguised. I just can't live a lie anymore. I would rather hurt myself. Than to ever make you cry." His voice cracked.
"There's nothing left to say, But goodbye..." pagpapatuloy nito sa pagkanta.
I want to hear it until my last breath. The voice of my love is like a lullaby that sings me to sleep, that allows me to close my eyes and made me choose to go, without looking back.