++++++++ Nicole's POV "Nics! Maganda na ba ko?" Tanong ni Kim sakin. Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa tapos tumingin sa tyan nyang umbok tapos tumingin ulit sa mukha nya. Di muna ko magsalita. "Takte Nicole! Feeling ko ang pangit pangit ko sa ginawa mong pagsipat sakin!" Inis na sabi nya. Hahahaha. Ninaasar ko lang naman sya. Maganda naman sya. Anong inaarte nito! "Hahahaha. Eto naman. Inaasar lang kita. You look beautiful Kim." Sabi ko sa kanya at tinuloy ang paghihiwa ko. "Totoo? Maniniwala ako kasi sa magandang katulad mo ng galing. Hahaha. Anyway. Nakita mo na ba ung parents ni Sir Miggy? Mabait ba sila? Kinakabahan ako mameet sila baka hindi nila tayo magustuhan. Pag ganun Nicole, ipaglaban mo ung pagmamahal mo kay Sir Miggy ah! Pag inalok ka ng pera basta malaki. Kunin mo

