+++++++++ Nicole's POV "Aray! Kalen! Masakit!" Iyak kong sabi sa kanya Nilalagyan nya kasi ng ice pack ung bukol ko sa noo. Namasa na nga... Kaya nung nakita ni Kalen after nang madamdamin naming usapan. Inis na inis! "Kung saan-saan na naman kasi napadpad yang isip mo kanina. But I'm sorry, if I didn't tell that to you panigurado hindi ka mag ooverthink at hindi ka mauumpog." Sabi nya at inilapat ulit ung ice pack sa noo ko. Napa'aww' na naman ako kaya tinanggal nya ulit. Tapos kumamot sa ulo nya. "Ano pa bang pwedeng ilagay dyan para hindi gaano masakit... At bakit naman kasi sa lahat ng pwedeng mabukulan at masugatan, laging sa ulo.." pagtatanong nya sakin pero parang tamang sabihin sa sarili nya. "Hindi ko din alam. Pangalawang beses pa lang naman to nangyari. Tapos mas malala n

