+++++++++++ Nicole's POV Nakakarelax dito sa meeting place na sinabi nila Marky at Alas. Yes. magkikita kasi kami ngayon tanghali. At sabi nila dito na lang daw para mas relaxing at parepareho kaming half way. At tama nga sila sobrang relaxing dito. Classical music, di ka maboboring pagmahilig ka sa music. Katulad ngayon ung dalawa kong kausap, late lang naman. Napaka galing diba? Sila naman ang nagsabing lunchtime para hindi na magpapaalam pa ng extra. Naku talaga naman! Hindi pa din ako nag oorder dahil baka iserve na at lumamig. Buti nga at may lunch meeting si Kalen. Susunduin na lang daw nila ko dito. Lumipas ang ilang minuto at sa wakas nakikita ko na ung dalawa kong kaibigan na naglalakad papasok ng Restaurant. Paglapit nila nakataas na ung kilay ko at gusto ng maghurumintad

