+++++++++ Nicole's POV Linggo na. Apat na araw simula nung naumpog ako sa kotse ni Kalen. At masakit pa din sya. Lalo na nung umaga na pag gising ko. Tapos di agad ako pinainum ni Kalen ng gamot kasi kailangan ko daw kumain muna dahil wala akong kain ng gabi. At eto ako ngayon, nakabusangot sa mga kaibigan ko sahil tinatawanan nila ung benda ko sa ulo. Mga Talipandas! Ngayon lang ako mabubwisit na andito sila. Pati na ung mga lovebite ni Kalen na halata pa, tinatawanan nila. Niloloko pa ko na may experience na daw ako. Ayaw maniwala na wala ngang nangyari. Ayaw ko naman ikwento kung bakit ako may ganto. Mga Hayop ih! Kainis! "Alam mo Nicole! Kung nakamamatay ang tingin, nakulong ka na! Hahahaha." Natatawang sabi ni Tal. "Apaka nyo! Ngayon lang ako maiinis sa inyo na andito kayo. At k

