Chapter 24

3421 Words
+++++++++ Nicole's POV Sobrang saya ng First Day. Wala naman kaming masyadong ginawa nun kaya nakapaglibot kami sa mga booth, syempre pumunta ko sa booth na naasign samin. Nanalo pa ko ng isang Pikachu Stuffed toy! Ang cute nga ih... Hahahaha Tapos tumikim din kaming mga officers ng mga food na inihanda ng Culinary Student.. sarap! Kinahapunan after ng lunch kasama ang mga Guest. Sila Kim, Danica at Tally naman ang kasama ko. Nagpunta kami ng movie booth, perya booth at art booth tapos kumain kami ng mga japanese food na handa ng International Studies Student. Tapos nagpunta din kami dun sa Picture Booth at nagpapicture. Libre un kaya nakakuha kami ng Tig iisang copy ng tatlong shots namin. Actually 1 shot lang dapat un pero dahil officer ako binigyan nila kami ng benefits... Hehehe 2nd Day naman ganun din pero naging busy lang kami dahil sa DTC Finals... Lalo na ako dahil ako ang may hawak ng Judge scores, ako lang ang nakakaalam kung sino ang nanalo! Pero hindi ko syempre sasabihin dahil surprise! Hahahahaha Todo cheer din ako kay Kim nun kasi kasali ung group nila sa Finals... Kahit na hindi halata... Sinabi ko naman sa kanya un dahil nga ako ang may hawak sa scores hindi dapat malaman na may kaibigan ako at may sinusoportahan, and it's okay to her kasi alam naman daw nyang todo support ako sa kanya. Naman! May ginawa pa ngang banner ung dalawa para sa kanya! Hahahahaha. Tas inilagay na lang nila ung pangalan ko dun. Pati Block D maingay sa kakacheer kay Kim. Nangingibabaw... Hahahaha. Nasaway ko na nga sila dahil masyado nang maingay pero di talaga napigilan kaya sabi ko hinaan na lang ng unti. Sumunod naman sila. Kinagabihan, practice for Final song namin ng Adhika! Sobrang nakakatuwa kasi polish na ung song at waiting na lang kami for Finals.. Friday naman may rehearsal namangyayari so dun na lang pero hindi namin ipaparinig ung kanta namin. Sabi nila. 3rd Day na kaya naman busy sila dahil sa Mr. and Ms. Aim High. Hindi na nila ako pinatulong dahil nasa practice ako ng Mini Concert pero nagpaalam ako na sisilip saglit dahil napag alaman ko na si Danica pala ay kasali sa Event na un. Pinayagan naman ako ni Kuya Raf dahil gusto din daw nilang makita. So kasama kaming lahat. 6pm ang start nun tapos kami 5pm ang start ng practice. Kaya naman eto kami at nag uumpisa na. During our practice pumasok si Sir Cy sa music room at may kasama sya... Tinawag nya si kuya raf at kinausap. "Shocks! Ang arte talaga nila." Sabi ni Ate Arie Tinignan ko naman sila at tinignan kung sinong kasama ni Sir Cy. Di ko kilala ung dalawa pero kilala ko ung isa, si Maureen ung girlfriend kuno ni Daniel. Agree naman ako sa kanilang maarte talaga ung maureen pero ung dalawa di ko masabi kasi di ko pa naman nakakausap. Nung natapos ng kausapin si Kuya Raf. Lumapit sya samin pero sila Sir Cy nasa may upuan at prenteng nakaupo habang nakatingin samin "Guys! Lapit muna kayo. Meeting tayo saglit." Sigaw nya samin kaya lumapit kami. "Okay. Alam kong ung iba sa inyo kilala ung mga dumating, tama?" Pabulong na sabi ni kuya " Sino po sila?" Tanong ni Nami "My ghad! You didn't know them? They are the queen here nuh? Nung batch nila sila ang sobrang gaganda at yayaman... Mali pala.. sila pa din ang queen dito... Ms. Sofia is the girlfriend of Mr. Monticlaro's son." Maarteng sabi ni Cecilne Oww.. kaya pala sila ang queen... Kasi isa sa kanila ay Girlfriend ng anak ng may ari. I wonder kung friend ni Daniel ung anak ni Mr. Monticlaro. "Okay. Enough! Napakilala mo na sila. Okay na un Cel. So Ms. Sofia, want to sing in Mini Concert because Mr. Monticlaro's son will go there and watch. Since Mr. Mendoza is the adviser of Student Council. Pinasok na nya sa programme si Ms. Sofia." Paliwanag ni Kuya Raf "Okay lang naman. So bakit sila andito?" Tanong ni Ate arie na hindi maiwasang hindi magtunog iritable "She demand to me na isa sa atin ay i'accompany sya sa performance nya na gagawin." Napabuntong hininga pa si Kuya Raf Ganun ba kaarte ung Ms. Sofia na kahit si kuya ayaw? "Ano po bang kanta or gagawin nya?" Tanong ko Napatingin sila sakin at parang nagkaroon ng idea. "Kakanta yan panigurado. Ikaw na lang mag accompany be!" Sabi ni Andrew "Marunong ka namang magkeys diba?" Tanong pa ni Marky "Teka! Nagtatanong pa lang ako. Hindi pa ko nagrerepresenta!" Saway ko sa kanila "Pero ikaw lang ang may mahabang pasensya dito Nics.." sabi naman ni Kuya Myk Akala lang nila! Nagbagong bubay nako nuh! Hahahaha "Isa pa un. She wants a girl to accompany her. Dahil baka daw magselos ang anak ni Mr. Monticlaro." Naiiling pa nasabi ni Kuya "So si Nicole na!" Sigaw ni Ate Arie na nagpalingon dun sa mga bagong dating "Teka!" Bigla naman silang nagsitayuan at nagkindatan sakin tapos nagpunta sa mga kanya kanya nilang instrument Lumapit sakin si Kuya Raf at inakbayan ako. "Sorry Nics! Ayaw talaga nila dyan ih.." sabi ni kuya At napatingin naman ako kila kuya myk na nag aja sakin! Mga lokong to! Pinagkaluno ako! "Kuya. Hindi ba nya ko aawayin?" Tanong ko "Hindi naman." Umiling sya tapos biglang "sana." Dagdag nya kaya kinabahan ako Magsasalita pa sana ako ng pansinin ako ni Sir Cy. "Ferrer. Ikaw ang sasama kay Sofia sa performance nya?" Tanong nya sakin "Opo Sir." Sagot ko naman "Wait! I know you! Ikaw ung best friend ng kapatid ni Caleb diba?" Sabi nung Maureen. "Opo po ulit." Sabi ko at yumuko pa "So what's your name?" Maarteng sabi nung Sofia, kaya umangat ang tingin ko "Just call me Nicole po." Sagot ko naman. "So nics! Iwan na kita sa kanila ah. Ikaw na bahala makipag usap kay Ms. Sofia." Sabi ni Kuya tapos bumulong "kaya mo yan." Tapos ngumiti sa apat. Tumango na lang ako at parang nagpapaawa pa na wag iwan pero iniwan pa din ako. "So you know how to play keyboard or piano? And also can you sing?" Tanong naman sakin nung Sofia "Yes po. Ano po palang kakantahin nyo?" Balik na tanong ko sa kanya "Thousand Years, i need 2nd voice and also dun sa part na high i need you to sing that pero pagmumukhain natin ako ung ka-" pinutol ko ung sasabihin nya "Lip-synch po." Sagot ko at medyo tumaas ang kilay nya "Yeah. What ever you called that. So can you do that?" Tanong ulit nya Mukhang mauubos ang pasensya ko dito ah pero let see. "Sige po. What do you prefer Piano or Keyboard?" Tanong ko at tumalikod para itour sila. "You can follow me po for a short tour here in Musikalista Club. I can also show you some of our Instrument." Sabi ko "I want a Piano for my performance but i guess you don't know how to play a Piano." Sabi nya at parang nagtataray na Nakasunod lang samin ung tatlo nyang kasama at ang mga mata ng mga ate at kuya.. Hinarap ko sya dahil dun sa sinabi nya. "Sorry for my rudeness po Ms. Sofia but i know how to play any instruments. If you want a Piano for your performance, we have here a Electric Grand Piano, we can set this up, for your performance." Sabi ko at iginaya sya sa pinaglalagyan ng Electric Grand Piano Nang makarating kami dun. Isinet up ko na para makapagpractice kami. "Okay lang po ba sa inyo na magpractice na tayo?" I asked her "Ow! Yeah. That will be great." Sabi nya at kinuha ung phone nya Magssearch ata ng lyrics. Kinapa ko naman ung kanta para makapractice na din ung kamay ko. "Ow.. tell me where to start, okay?" She said Tumango lang ako dahil nga kinakapa ko ung kanta. Nung nakuha ko na. "Start na po tayo." Sabi ko at tinipa na ung intro ng Thousand Year Okay naman pero may mga flat lang na ginagawa nya. Siguro dun na lang ako papasok para kunwari, ayos! Hahahahaha Dun sa high part, ako ang kakanta talaga ililip synch nya lang.. pero paniguradong mapapansin un, magkaiba kami ng timbre ng boses ih, pero yaan mo na un ung gusto nya ih. Nahinto kami ng pumasok si Sir Henry sa loob ng Room Org. "Hens! Why are here?" Tanong ni Ms. Sofia kay Sir "Im here for Cyrus." Sagot nya at tumingin kay Sir Cy "andito ka lang pala hinahanap ka nila James dun sa Auditorium." Sabi nya na paramg iritable "Why? You're there naman so okay lang na wala ako." Sagot naman ni Sir Cy. "Ikaw lang maman ang nakaasign sa mga Judge, remember?" Sabi ni Sir Henry at tinaasan pa ng kilay si Sir Cy tapos tumingin sakin "And you! I keep on calling your number but no answer?" Sabi nya at nakataas din ang kilay "Sir. I'm on a practice.. bawal po ang phone." Sagot ko na nakangiwi "Block D, wants you there. Lalaban si Irine." Sabi nya at ngumiti Ow? Napatayo ako bigla tapos napalapit sa kanya. "Di nga Sir?! Totoo? Pwera biro?! Si Irine ung nakuha sa BSBA Marketing?!" Sabi ko sabay harap kay Kuya Raf. "Kuya? Baka naman... Blockmate ko pala ung lalaban oh! Andun pa ung best friend ko. Please..." Sabi ko at nagpacute pa "Hahahahaha. Osige na! Gusto din naman namin sumilip. Nakapagpasada naman na tayo kanina, balik na lang tayo ulit dito mamaya." Sabi ni Kuya James at inumpisaham ng iayos ang gamit Parang nagdiwang naman ang lahat dahil mapapanuod namin ang pageant. "Wait! What about our practice? Ahm.. Nicole?" Sabi ni Ms. Sofia "Oh come on, Sof. Pwede namang bukas yan. I know Miggy will love that shskfkfofid." Sabi ni sir pero may binulong sya sa dulo. "What?" Sabi ni Ms. Sofia "Wala naman. Basta Miggy will love that performance of yours. So hayaan mo na tong mga to na manuod. Isa pa itong sasama sayo, magaling to. Tataya ko company ni Miggy ay hindi pa pala sa kanya un, ni Dad na lang. Hahahaha." Natatawang sabi ni Sir Henry Ahuh! Ibig sabihin friend din ni Sir Henry ung anak ni Mr. Monticlaro.. edi baka magkaibigan din sila ni Daniel. Ay ewan bahala sila sa buhay nila. Naiisip ko na naman si Daniel tuloy! "Hey! Gaano kalalim na naman yang iniisip mo at natutulala ka." Kalabit sakin ni Marky "Oh? Nasa tabi na kita?" Tanong ko sa kanya Ang bilis kasi ih. Kanina lang inaayos nya ung keys nya ngayon asa tabi ko na. "Kanina pa kaya ako andito." Sabi nya at tinuro pa sila kuya myk na nasa tapat ko naman. "Whatever! Wag mo na itaya kasi alam kong magaling sya." Mataray na sabi nya kay Sir, sabay harap sakin. "Fine. Tomorrow na lang tayo magpractice then sa rehearsal. Thank you by the way." Sabi nya sakin "So let's go?" Sabi ni Sir saming lahat tapos tumingin kay Ms. Sofia at sa mga kasama nya. "Are you coming with us? Or uuwi na kayo?" Tanong nya "No. Miggy and I have a date. So i need to freshen up. You know?" Sabi ni Ms. Sofia na ikinataas ng kilay ni Sir Henry "A date huh? Baka tawag ng laman. G*go talaga!" Bulong nya pero rinig ko dahil katabi ko sya Nakatitig lang ako sa kanya kaya napansin nya tapos nagsalita "Narinig mo?" Tanong nya sakin "Opo. Kayo sir ah!" Sabi ko at tinuro pa sya "Ayan! Kakalapit mo sakin kung ano ano na naman naririnig mo." Sabi nya at umiling pa. "Hala! Tapos pag iniwasan sya, sasabihin na iilang." Sabi ko at ngumuso pa "Ah ganun? Okay na ba ang 3 na grade?" Sabi nya at lumaki naman ang mata ko sa gulat "Hala madaya si Sir! Walang usapang grade!" Sabi ko at ngumuso na naman. Tumikim ung isang kasama ni Ms. Sofia kaya napatingin kami sa kanya, pagtingin ko nakataas ang kilay nya sakin. Problema nito? "So pupunta na ba kayo ng pageant or maghaharutan dyan? I didn't know na bata pala ang gusto mo hens." Sabi nya at nakataas pa din ang kilay "Wait! You're Nicole? So you're the one who called to him last sunday afternoon, i guess. Right?" Tanong nya sakin Tumango naman ako at ngumiti sya ng parang proud na proud. "So you heard me?" Tanong nya ulit "Shut up Hannah!" Sigaw ni Sir Henry At dun bumalik sa alaala ko ung narinig ko.. ibig sabihin??? Sya un? Hala! Napatakip ako ng bibig at tumingin kay Sir Henry tapos tumuro pa... Yuck! Pumatol si Sir sa katulad nitong makapal ang make up. Ewwww... "Pumunta na ung iba sa inyo sa Audi." Utos ni Sir Cy at tumingin ng matalim kay Hannah ba un? Si Sir Henry naman, nanlilisik din ang matang nakatingin kay Hannah. Nung bumalik ung tingin nya sakin, parang mas lalo syang naasar. Paano nakatingin pa din ako sa kanya tapos mukha atang napapansin nya na naiimagine ko na ung ginagawa nila. "Nicole. Sumama ka na dun sa mga kabanda mo. I'm really sorry sa narinig mo nun. Sabihin mo na din sa Block D na susunod ako. Bilis! At wag kang mag imagine dyan. Ibabagsak talaga kita." Sabi nya kaya mabilis akong tumango at lumapit kay Marky Paglabas namin, agad akong inakbayan ni Marky. "Anong narinig mo at ganun na lang ang galit ni Sir Henry at Sir Cy?" Tanong ni Marky Nakatingin na din sakin sila kuya myk, andrew at jacob. "Ungol ng babae, natingin ko ung hannah un." Wala sa sarili kong sabi. Gulat naman sila pero di na nagsalita. Loko kasi to si Sir Henry ih! "Wag mo na isipin. Di ka naman binabastos si Sir Henry diba?" Tanong ni Kuya Myk Binabastos? Hindi ah! "Hindi kuya. He treat all of us like his sisters or brothers. Kaya wala naman akong nararamdang malisya." Sagot ko Totoo naman. Pag nasa room kami parang kapatid ang turing samin ni Sir. "Ayun naman pala ih. Wag mo na isipin. Di talaga maiiwasan un. Lalo na they are Bachelors." Sabi ni Jacob at tumango na lang ako. Nagpatuloy na kaming maglakad at napalingon pa din ako sa Music Club. Baka kung ano na nangyayari dun. Henry's POV Gusto kong manuntok ng babae! Un ung nararamdaman ko ngayon. Nakakainis! Nakakahiya dun sa mga estudyante na nandito kanina. Etong Hannah kasi hindi mapigilan ung bibig! Nakakainis talaga. Naalala pa ata ulit ni Nicole un. At mas malala kasi parang naiimagine na nya. "My ghad Hannah! Hindi ka man lang ba nahiya sa ibang estudyante na nandito kanina?" Sabi ni Cy Kakampihan ko to ngayon! Kasi tama naman sya. "Why? Si henry nga atska ung nicole, hindi nahihiya na naglalandian sa harap nila?" Sabi nya na nakataas ang kilay Anong naglalandian? Pati ba naman pakikipag biruan ko sa batang un... Kawawa naman si Nicole. "Wait! What? Seriously? Pati ung pakikipagbiruan ko sa bata idadamay mo sa pagiging selosa mo? And wait lang ulit ah! As far as i know we don't have any relationship here. So stop acting na girlfriend kita. Dahil walang tayo Hannah. We just using each other for our own pleasure. Nakakahiya ka." Sabi ko sa kanya Naiinis talaga ako! Hindi dahil sinabi nya ung nangyari kundi dahil narinig nung mga estudyante. Paano kung may magsumbong? Edi hindi na ko makakapagturo dito. "Henry's right. I mean ung idamay mo ung bata... Alam nating lahat kung anong meron kayo pero sana hindi mo na dinamay ung bata. She's one of the achievers here, paano kung may magsumbong ng sinabi mo na harutan. Mawawalan ng scholarship ung bata... Wala naman syang ginagawang masama, etong si Henry naman ang may kasalanan nun." Sabi ni Cy Ayun pa! Ung scholarship ni Nicole! Tsk! Di talaga maganda ung ginawa ni Hannah. "Okay. Im sorry. Hindi ko naman sinasadya. Nakakainis lang kasi ung pagiging close nyo." Sabi nya at parang nagsisisi naman na. Pero hindi pa din humuhupa ung inis ko. "Dapat kasi iniisip mo muna ung sasabihin mo bago mo ilabas! Pag ung batang un nawalan ng scholarship dahil may nagsabi ng sinabi mo. Ikaw ang pagsusustentohin ko dun." Pagbabanta ko sa kanya "Bakit parang sobrang importante nung batang un sayo? Even to Caleb, he even brought her a guitar, though may parte ung kapatid nya at mga kaibigan nya pero mas malaki ung ambag nya." Tanong ni Maureen Ano? Si Caleb? Binilhan ng gitara si Nicole? Don't tell me? Si Nicole ung Ex nya... s**t! Ou nga nuh? Baka nga.. kung kaibigan ng kapatid nya... Ang gago! "She is my STUDENT! Ako ang Adviser nya kaya importante sila sakin. Para silang mga kapatid ko. Naiinis ako! And kay Caleb? Ikaw na din nagsabi na best friend sya ng kapatid ni caleb kaya sigiro ganun." Paliwanag ko. Di ko na lang sasabihin ung nasa isip ko. Di ko pa naman sure. "Tama na to. I'll make sure na walang makakarating sa Admin about dito. Sige na. Umuwi na kayo, bukas na lang ulit." Sabi ni Cy tapos tumingin sakin. "At ikaw! Magtino ka kasi pati ung batang inosente madadamay." Sabi nya at tumalikod. Ganun na din ang ginawa ko. Narinig ko pang timawag ako nila Sofia pero deretso labas na ang ginawa ko. Pupuntahan ko ung Block D. They want us to watch and support Irine together. Kaya nga pinuntahan ko na si Nics dito para sabay sabay kaming magcheer tapos ganto pa. Nagpunta na ko sa Audi tapos Pinuntahan ung Block D na nagsisisigaw dahil nag uumpisa na. Hinanap ng mata ko si Nicole at ayun kasama nya ang Kimberly ko... Napatingin naman sakin si Kim at ngumiti. Ganda talaga nya... Hinahayaan ko lang syang biruin ako kasi liligawan ko talaga sya pag graduate nya... Siniko naman nya si Nicole tapos tumingin din sakin... Napangiti na lang ako kasi parang wala na naman sa kanya ung nangyari. Lumapit na lang ako sa kanila. "Sir Henry! Asan na po ung babae?" Tanong nya ng makalapit ako. "Ah. Wala. Umalis na. I'm really sorry for what she said. Hayaan mo na lang sana." Sabi ko sa kanya Ngumiti naman sya at tumango tapos biglang sumingit si Kim, ang hilig talagang sumingit. Sa susunod, ako na sisingit sa kanya. Hahahahaha "Bakit? May umaway sa bebe nicole namin? Sino? Reresbak na ba?" Sabi nya. They really love Nicole. She's so precious pag dating sa kanila. Ano kayang meron at ganun nila sya pahalagahan? "Tange! Wala un. Hahaha. At walang reresbakan." Sabi naman nitong isa at bumulong nung nawala na ung tingin ni Kim "Ang tapang tapang ngayon pero pag andyan na, magtatago din sa likod ko." Sabi nya Kaya natawa ako. "That's bad Nicole. Hahahahaha." Sabi ko sa kanya pero ngumiti lang sya Nanuod na lang kami at magcheer. Umalis na din ako sa tabi nila at pumunta sa likod nila. I just want to see Kim. Ang hirap kaya pag nasa tabi nila hindi ko sya matititigan. Hahahaha Habang nakatitig ako kila Kim na nagtatawanan dahil sa pang aasar ata nila dun sa isa nilang kaibigan na kasali. may nagsalita bigla. "Ang ganda nila nuh, Sir?" Sabi ni Bry Tumango naman ako bago magsalita. "Ou. Hindi naman sila masasali sa pageant kung hindi sila maganda." Sabi ko at tumingin pa sa kanya Bigla syamg tumawa. May nakakatawa ba sa sinabi ko? "Hahahaha. Sige Sir. Kunwari hindi ko nakita na nakatitig ka sa grupo nila Nicole. Hahahaha." Sabi nya at tumingin ulit sa stage. What? Napatingin ako sa kanya at tinawanan lang ako. Lokong bata to! "Okay lang sir. Ako lang naman nakakita. Hahahaha. Ganyan talaga masyado kasing magaganda yang magkakaibigan na yan. Tapos lagi pang masaya. Hahahaha." Sabi nya at inilingan ko na lang habang nangingiti. Hinayaan ko na lang at nanuod na rin ng pageant.. nasa kalagitnaan na ng tawagin si Nicole ng mga kabanda nya para ata magpractice, kaya nagpaalam na sya samin pati kila Kim. Tinitignan ko lang si Kim habang nagpapaalam kay Nicole. Di ko maiwasang hindi tumitig. Ung mga mata nya parang kumikinang pag ngumingiti, ung labi naman nya parang nagkokorteng heart pag nag ssmile.. kaya gandang ganda ko dito ih. Monera naman ang kulay nya, unlike kay Nicole na Maputi. Pero kahit morena sya makinis ang balat. Alam mong inaalagaan. Basta pagraduate nya. Uunahan ko na agad! Hindi pa man tapos ang ceremony, sasabihin ko na agad sa kanya na gusto ko syang ligawan. Maghanda ka Lovely Kimberly Santos, I swear you will be mine. Hehehe
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD