NICOLE SOBRANG bigat ng pakiramdam ko nang magising ako. Halos hindi ko mamulat ang mata ko, marahil ay dahil sa pag iyak ko buong gabi sa bathroom… Napapikit akong muli nang maalala ko ang nangyari. I want to cry again… but I have a life na dapat pagtuunan ng pansin. I have a child na kailangan ako. I want to break down again… but I can't! I tried to get up kahit pa alam kong sobrang sama ng pakiramdam ko. Kahit pa ramdam kong hindi ko kaya, gusto ko kayanin ko. Gusto kong gawin kung anong mga dapat kong gawin. At lalo na gusto ko mahanap at makita si Sofia. Why? Nothing, gusto ko lang bantay kung may mabubuo sila ni Kalen. Hindi ko naman ipagdadamot si Kalen sa kanila kung sakali, hindi ko din naman alam kung ipapaubaya ko siya sa kanila pero depende kung anong mas gusto ni Kalen,

