05
pft, gusto kong humalakhak ng sobrang lakas, biruin ka ba naman ng ganon. Feeling close lang
"Nice joke" i rolled my eyes "malayo pa ba tayo?"
Umiling lamang sya bilang tugon.
Siguro mahal na mahal nya ang laway nya kaya madalang sya magsalita,
kems.
Sinusubukan ko siyang daldalin pero maiksing sagot lamang ang naririnig ko sa kanya. Parang nag tatravel around the world yung spirit nya tapos naiwan dito yung parte ng paa.
Kaaunting minuto lamang kami naglakad at maya maya ay amin nang natanaw ang isang bahay, Gawa sa bato ang ilalim at yari namang flywood ang 2nd floor. Pinagcombine na white nd brown ang kulay nito kaya mukang presko talaga sa paningin.
Habang naglalakad papalapit sa bahay ay sinasalubong ako ng fresh air at mas lalo akong nabuhayan ng maka-amoy ako ng adobo
wais to adobo ala' lola Maisa Debroux!
"Lola i'm here na!" tatlong beses akong kumatok sa pinto, while Jaylen was still on my back. Nagsalubong ang tingin namin, nginitian ko siya pero hindi nya iyon sinuklian.
"Apo! ang laki laki mo na ah!" Lola Maisa pinched my cheeks
Walang pinagbago jolly parin.
I gave her a warm hug, sa mga kamag-anak ko ay si lola Maisa ang favorite ko. Kahit kulang sya ng ngipin hindi nagkulang ang atensyon na nabibigay nya pag nasa paligid lang ako.
"Mauna na po ako" pagpapaalam ni Jaylen kay lola
"Hindi ka muna kakain ijo? Sabay kana saamin halika pasok" inayos ni lola ang pagkakabukas ng pinto at sinenyasan kaming pumasok
"Babalikan ko pa po si kiel" he made a teeny smile before leaving
"Osya sige mag-iingat kayo!" Pahabol ni lola.
Nang makalayo na si Jaylen ay muling pumaling saakin si lola "maupo ka muna apo, maghahanda lamang ako ng pag-kain" dali-dali siyang tumalikod at mukang pupunta sa kusina.
Sa halip na umupo ay sumunod ako kay lola
"Tulungan ko na po kayo" nakakahiya naman kung tutunganga nalang ako diba
"Hindi, ako na dine mgpahinga kana laang at baka ika'y pagod" inawat nya agad ako.
"Ano ka ba naman lola, hindi ako pagod. Naka upo lang naman ako buong byahe at natulog"
Atually i'm exhausted na, im very sleepy! pero dahil naka-amoy ako ng adobo parang bigla nalang ulit ako sumigla!
"Osya sige, nandyan ang mga plato" turo nya sa isang kawayang lalagyan habang nagsadandok ng ulam, i wonder kung hindi ba sila nagkakabukbok? Kase diba yung ibang kawayan naraming lumalaglag na parang powder, like parang nauubos yung laman nya.
mataas yata quality ng kawayan dito e, sosyal!
"Adobo ang niluto ko, eto ang pinaka-paborito mo sa nga ulam na pinakain ko sayo natatandaan mo ba? Kinukulong mo pa ako ako sa banyo pag kulang sayo ang niluto ko" humalaklak siya habang patuloy na nang-aasar.
naalala nya pa yun?
"la! antagal na non! Tsaka diet na'ko ngayon, hindi nyo pa kita ang sexy ko na oh" tituro ko ang kurba ng katawan ko at nag post sa harap nya dahilan kung bakit lalo lumakas ang halakhak niya.
"Ikaw talaga, wala kang pinagbago" hinawakan niya ang ulo ko at pawang ginulo iyon "nasan naba ang mga binata nati— oh iyan na pala sila!" Nakatanaw sa bintana si lola
Sumilip din ako sa bintana at nakita ang dalawang lalaki na papalapit at mukang walang kahirap hirap sa mga dala.
Karamihan doon saakin hehe.
Mas lalong nagliwanag ang mata ko nang matanaw si chuchi na nakasunod sa kanila.
agad akong lumabas ng bahay at sinalubong ang aso
"Chuchiii—"
"It's Buddy, NOT CHUCHI"
narinig ko pa ang mahinang halakhak ni jaylen.
napasimangot naman ako "ang cute kaya ng chuchi"
"oo kamuka mo."
boom sabeyj.
"Alam mo KIEL DEBROUX gutom lang yan, arat na!"
Kumakaway ako sa kanila habang papalayo, nang makapasok ay tinulungan sila ni lola magbaba ng gamit,
"Ibaba ninyo muna iyan at kumain na tayo" ani lola
ako ang nangunguna sa kusina, agad akong umupo at nilanghap ang mabangong ulam.
Parang ang sarap magpataba ngayon .
walang umimik habang kumakain, kaya ako na ang nagbalak bumasag sa katahimikan. Uminom muna ako ng tubig bago magsalita.
"ah jaylen, hindi ka ba naiinitan? nasa loob na tayo ng bahay at kukain naka sumbrelo kaparin"
"Oh, sorry" agad niyang tinanggal ang takip sabulo at sinabit iyon sa likod ng upuan.
yun na yon?
tahimik na ulit?
"Kamusta kayo dito lola?" tanong ni kiel matapos lunukin ang kinakain.
"Ayos naman, lumalaki ang kita sa negosyo" sagot naman ni lola at tumango tango.
"What? nag tatrabaho parin kayo? diba sabi ko tumigil na po kayo sa ganyan" kiel was now sound anxious.
"Grabe ka naman apo, anong tingin mo sakin, isang galaw mababawasan ng buto? ang lakas lakas ko ka kaya diba Jaylen?" Nilingon ni lola si jaylen na parang magmamakawaang umoo.
"Yes, she is. And she's very terrific in handling some businesses. Besides, hindi naman masyadong nakakapagod ang ginagawa nya" Jaylen show us his gleaming smile.
ang cute nya!
"Pero pano pag na stress kayo lola? Hindi lang yan basta basta trabaho"
"Madali ang ang pagpapatakbo at hindi naman nagkakaproblema, magaling ang nga magtatanim na nakuha mo, lumalaki na rin ang plantasyon ng mga santol, sayang naman ang kita"
Parang bigla akong may naalala sa santol.
Yung gift ko kay lola!
"Sinasabi ko sa inyo ha, don't forget to rest okay po? You can stop working anytime, may edad na kayo hindi magandang mag-pagod"
Maka payo naman tong si kiel, akala mo sya yung tatay ni lola.
Naunang natapos kumain si Jaylen, agad siyang tumayo at hinugasan ang sariling kinainan. Hindi naman sya pinigilan si lola at parang sanay na ito, madalas kaya sya kumain dito?
Sumunod namang matapos si kiel, ganoon rin ang ginawa nya, kaya ganon rin ang gagawin ko. Ang kaso mukang matatagalan ako sa pag-kain dito, ang sarap e hehe.
"Habang tumatagal, mas nagiging strikto yang si kiel, ano?" nagulat pa'ko nang kulbitin ako ni lola
"ay nako! Masanay na kayo lola! lagi yang highblood, Ang sungit dinaig pa yung nireregla!" Pag chika ko, Hininaan ko lang ang boses ko dahil nasa likod lang si kiel.
"Pinag trabaho ba naman ng bata pa eh, ang laman ng utak puro na trabaho hindi manlang na-enjoy ang kabataan."
"Halos wala na po syang free time, madalas walang tulog"
"May gerlpren ba iyang totoy na yan?" nanlaki ang mata ko sa tanong ni lola
Akalain nyo yon girlpren daw.
Muka bang may girlfriend yan?
"Yung mga butiki sa kwarto lola girlfriend nya" sabay kaming natawa ng malakas kaya napatingin ang dalawa saamin, nagkibit balikat nalang ako.
"Alis na po ako" pagpapaalam ni Jaylen. Inabot pa nito ang kamay ni lola at nag mano "Kiel, alis na'ko men"
Walang naging tugon ang ugok.
Binasag ng dighal ko ang katahimikan kaya nagkatinginan kaming tatlo at nagtawanan.
Himala nalang at tumawa si kiel pero pagkatapos niyon ay seryoso na siyang umakyat sa kwarto.
"Busog kana ivette, baka hindi na kayanin ng tyan mo iyan" tumatawa parin si lola
Funny yon?
"Sabi ko nga po, akin na po iyan at ako na ang maghuhugas" turo ko sa pinagkainan niya, buti nalang at hindi na sya kumontra, makulit pa naman ang lola nyo.
"Natatae ako ibet, hintayin mo ako dyan at ililibot kita sa buong bahay"
wow ang ganda ng accent ni lola.
Ano nga ulit yon?
ibet hahaha
"Push mo lang la!" I shouted
Pumunta muna ako sa terrace at kinuha sa bag ang notebook ko.
itutuloy ko muna yung story ko, matagal tumae si lola e
Maya maya ay lumabas narin siya sa banyo at inaamoy amoy pa ang kamay.
dali dali syang lumapit saakin sabay...
"Amoyin mo nga ibet, sabihin mo kung amoy tae pa"
wtf?
ini-aro nya saakin ang kamay, agad ko namang iniiwas ang muka ko dahil malayo palang ay naamoy ko na ang adobong nilabas sa pwet.
For sale: Lola na matalino at magaling sa trabaho.
Issue: dugyot
pwede ko ba sya ibenta?
may bibili kaya?
"Diba lola ito-tour niyoko dito sa bahay? tara na po" hahawakan ko sana ang kamay nya para hilahin pero naalala ko— nevermind.
kinuha ko ang hand sanitizer sa isang bag at ini-abot iyon kay lola
"Ngamit ngayo ngeto nyola mabango" sabi ko nang nakatakip ang isang kamay sa ilong
hindi ko talaga kinaya si lola.
"sanitayser? aba ija hindi ko kailangan niyan pinanganak akong mabango"
silly.
"whatever, tara na po" lets see kung gano katagal akong hindi hihinga.
Una akong dinala ni lola sa harap ng isang pinto sa likod ng hagdan pataas.
Medyo luma na yung pinto, i wonder luma rin kaya yung loob?
Dahan dahang binuksan ni lola ang pinto, tumutunod pa ito habang binubuksan
creepy lang?
Bungunad sa akin ang isang maliit na kwarto, walang laman kundi isang mahabang upuan na gawa sa kawayan at ang mga picrure frame na nakadikit sa pader.
Sa kaliwang side ay ang mga picture ni lola noong dalaga pa siya, habang iniisa isa kong pasadahan ng tingin ang mga larawan ay nag kekwento si lola tungkol sa kabataan days nya.
"Noong dalagingding ako ija, habulin ako ng mga lalaki, alam mo ba kung bakit?" Ngimiti siya, nakakatuwa lang kase muka syang baby
walang ngipin.
"Bakit po?" sana lang matino ang sagot nya.
"Mabango daw ang hininga ko" humagalpak siya ng tawa at lalong lumabas ang gilagid, oo gilagid lang walang ngipin.
Wala akong nagawa kundi ngumiwi
seriously? hininga? mabango?
"Ah, baka hindi pa po kayo dugyot nung time na yon" bulong ko
"Ano kamo?" Tanong niya habang hawak ang isang frame.
"Wala po la, sanaol mabango hininga" tumawa rin ako syempre para fair.
Sa right side naman ay ang picture ng mga kapatid nya. Nasan na kaya sila? Hindi sila na k-kwento saakin ni lola.
"Yan ang mga kapatid ko"
alam ko.
"Nasan na po sila?" I asked
"Nasa paraiso, pinapanood ka apo" inakbayan nya ako at tumingala sa iba pang larawan. "Saaming pito na magkakapatid tatlo nalang ang natitira"
"Sino po yung iba? nasan sila?"
tinuro niya ang isang brown na frame sa taas, may dalawang babae don na naka white dress ang isa ay may hawak na pamaypay at ang isan naman ay may hawak na —
santol.
"Sya si Peach at Merdie"
Ha?
"Ako ang pinaka maganda sa magkakapatid" ayan nanaman po sya, baka pinaka matanda "malandi ang dalawang iyan pero tumandang dalaga, hindi ko alam kung nasan na sila ngayon. Matagal na rin nung huli kaming nagkita"
Peach?
familiar
Saan ko nga ba narinig ang pangalang iyon?
"Itong mga iyon naman ay ang pamili piktsur namin" turo nya sa mga poster na nakadikit sa harap. May isang nalaking frame sa gitna niyon "ito ako, ang ganda diba?" She asked.
oo lola pero nung kabataan mo lang.
"Itong apat na nakaputi ay kapatid ko, nanay ko naman itong isa, itong tatlong payatot kapatid ko at itong pinakamalaking katawan, tatay ko" tuloy tuloy lang sya ng pagturo, madalas din siyang magbiro hanggang sa makaabot kami sa huling larawan.
"Ito ang iyong ama" ang matamis kong ngiti ay napaltan ng mahabang nguso.
gusto kong itanong kung nasan na sya
gusto ko syang makita
gusto kong maranasan nagkaroon ng papa.
"Tara na apo, next destineysyon naman" muli nya akong inakbayan.
Alam kong ayaw nya lang magsalita tungkol kay papa, dahil iyon ng bilin ni mama. Ayaw nyang mangulila ako sa ama pero mukang pinapalala nya lang naman.
Naiintindihan ko dahil anak lang ako sa labas,
Natural na yung tunay na pamilya ang pipiliin diba, ang alam ko ay mayroon din siyang isang anak doon, babae daw narinig ko kay kiel dati.
Kumunot ang noo ko sa masangsang na amoy.
Napatigil ako nang marealize kung saan ako dinala ni lola
Putragis!
Humalakhak ng malakas ang matanda nang makita ang reaksyon ko.
It's not funny tho, dinala nya'ko sa cr! At mukang hindi pa naalis ang iniwan niyang amoy dito kanina!
"Halikana, sasamahan kita sa kwarto mo muka ka asing bilasang isda kanina kapa nakasimangot" patuloy parin siya sa pagtawa.
Nakakatawa ba yon?
Tumalikod na siya at lumabas sa banyo, napairap nalang ako bago sumunod.
Next time nga hindi na'ko magiging lutang pag kasama si lola. Inaapi ako e.
Umakyat kami sa taas at sinamahan ni lola na pumasok sa isang kwarto.
Dito ako for one week? wow!
Modern design at maaliwalas. Wala masyadong gamit kaya malinis tingnan at hindi mabanas.
"Magpahinga kana apo,bukas ay sa bukid kita igagala" nginitian niya ako bago lumabas at isinara ang pinto.
Aabutin ko sana ang kumot, biglang nahagip ng paningin ko ang frame na nakabalot, nakasandal iyon malapit sa pinto.
Yung regalo ko kay lola, bukas ko nalang ibibigay iyon.
Biglang pumasok sa isip ko si lola peach.
Hindi kaya siya iyon?