Beatriz Pagpasok palang niya sa loob ng gate pakinig na niya Ang malakas na tinig Ni Blake.Na parang may pinagagalitan ito at sa timbre ng pananalita nito,mukha talagang napakainit ng ulo. "Sa susunod wag Kang mangingialam naiintindihan mo!".muling sigaw Ni Blake sa pobreng matanda. Kita naman niyang naluluha na si aling linda , pero parang Wala lang iyon Kay Blake patuloy ito sa pag sasalita ng masama. Uminit ang ulo niya dumiretso siya sa kusina nadatnan niya doon Ang ibang mga kasambahay na nakikinig lamang kay Blake. Nagulat Ang mga Ito ng makita kanya kanyang kilos ang mga Ito at magkunwaring may gagawin.Hindi niya pinansin ang mga Ito. "Pwede bang ikuha nyo ako ng timba ung hindi kalakihan ha."aniya sa mga kasambahay. "Sige po".sagot ng isa sa mga Ito na agad lumabas ng kusin

