“What the hell are you doing?” galit niyang tanong at direktang tumingin ng matalim kay Vincent. Hindi naman siya pinansin nito at lumakad na papunta sa sofa na buhat-buhat ako. Hawak ko naman ang bakal na kinalalagyan ng suwero ko at binitiwan lang iyon noong dahan-dahan na akong ibinababa ni Vincent sa sofa. Ang kulit kasi ni Vince. Kaya ko namang maglakad, eh, namilit pa na buhatin ako. Si Ram naman ay inilapag ang lahat ng kaniyang mga hawak sa lamesang nasa gilid ng kama ko. Nilapitan niya kami na kulang na lang yata ay magbuga na ito ng apoy. “Ano’ng problema mo? Bakit nandito ka na naman? Huwag mong sabihing hanggang dito ay may iuutos ka pa rin kay Bel?” nang-uuyam na tanong ni Vincent kay Ram kaya lalong nagdilim ang mukha nito. “Guys, please, gustom na ako,” biglang singit k

