Chapter 5 Overprotective

2439 Words
Nang dumating ako sa club ay nagsisimula nang mag-inuman ang mga kaibigan ko at iyong may mga jowa, katabi nila ang mga ito sa upuan. Isang tao agad ang hinanap ng mga mata ko at napangiti ako nang tumayo ito at agad na ngumiti sa akin. “Doon lang po ako sa bar counter, ma’am,” napasinghap ako nang biglang bumulong sa tainga ko si Ram. Ang mainit niyang hininga ay nagpatindig ng balahibo ko. Bigla tuloy nawala sa isip ko si Zendie at ang init na nagmumula sa katawan niya na dama sa likod ko ang pinakikiramdaman ko. Hindi ko talaga maintindihan hanggang ngayon kung bakit kakaiba ang epekto ng lalaking ito sa akin. Iyong tipong nawawala ako sa tamang huwisyo at nakakalimutan ko lahat ng nasa paligid ko. Normal bang makaramdam ng ganito sa isang tao? “Hi! I already reserved our seats together!” para akong nagising sa reyalidad nang marinig ang boses ni Zendie. Nag-angat agad ako ng paningin at tinitigan ang guwapo niyang mukha. Pero mabilis nalusaw ang ngiti ko nang biglang tumikhim ang bodyguard ko. Kunot-noo ko siyang nilingon. “Akala ko ba didistansiya ka sa akin?” gigil kong pabulong na tanong. Pero mula sa akin ay lumipat ang tingin niya kay Zendie at tila galit itong tiningnan. Napalunok ako dahil hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. “May problema ka ba, pare?” biglang tanong ni Zendie. Mukhang hindi rin niya nagugustuhan ang masamang tingin sa kaniya ni Ram. At dahil doon ay kinabahan ako. Lintik na Ram na ito, sisirain pa yata ang date ko. Kung kailan sa wakas may pagkakataon na akong maakit itong si Zendie, eh, mapupurnada pa yata. “Just a reminder, I see everything from there,” itunuro pa ni Ram ang bar counter, “kaya huwag na huwag kang gagawa ng kalokohan dito sa amo ko kung ayaw mong umuwing baldado,” napanganga ako sa mga salitang binitiwan ni Ram. Did he just threaten Zendie? My one and ultimate crush, Zendie? Oh, no! Saka, bakit gano’n? Bodyguard ko lang siya pero ang galing mag-English? Walang accent pero very fluent and smooth ang pagsasalita niya. “Ram, sige na. Iwan mo na kami. Kaya ko na ang sarili ko kaya hindi mo na kailangang pagbantaan si Zendie. Isa pa, hindi ko kailangang ipaalam sa iyo kung anuman ang gusto naming gawin. Please, remember your place,” saway ko sa kaniya. Bumaling siya sa akin at may nakita akong kakaibang emosyong dumaan sa mga mata niya pero hindi ko mawari kung ano. Umigting din ang panga niya at minsan pang tiningnan nang masama si Zendie bago kami tinalikuran. Doon lang ako nakahinga nang maluwag. Ano ba’ng problema niya? Saka bakit gano’n? Ako ang amo rito, pero parang ako pa iyong intimidated sa kaniya? Nakakainis talaga ang lalaking iyon! “I don’t like your bodyguard. Masiyadong pakialamero!” komento ni Zendie habang naglalakad na kami palapit sa kinaroroonan ng mga kaibigan ko. “Hayaan mo na. Ayaw kong awayin kasi baka isumbong pa ako kay daddy. Medyo, sipsip pa naman sa daddy ko iyan,” pabulong kong sagot. Pero hindi na siya muling nakapagsalita dahil patili na akong tinawag ng mga kaibigan ko. “Hi, guys!” bati ko sa kanila. Ang mga lalaking kasama nila ay nagtaas lang ng baso ng alak sa akin at tumango. “Akala ko hindi ka na makakarating. Mabuti pinayagan ka ng daddy mo?” biro sa akin agad ni Erlyn. Natawa lang ako sa kaniya at naupo kung saan ako iginiya ni Zendie. “Siyempre kay mommy ako nagpaalam. Tapos siya na ang bahala kay daddy. Mabuti nga may mga bisita sa bahay ngayon kaya hindi na ako napansin pa ni daddy. Saka kita ni’yo naman, may bantay ako,” sumimangot ako sa huling sinabi ko. “Zendie, this is Leahbel Hendarez, pakilala ni Mike. Siyempre hindi ko naman na siguro kailangang ipakilala si Zendie sa iyo,” pabirong baling ni Mike sa akin. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko. Pero masaya ako. “Of course, I know her! She’s the prettiest in the university,” malapad akong napangiti at nagtilian naman ang mga kaibigan ko. “Hoy, ano ba! Nakakahiya kayo!” saway ko sa kanila pero sa totoo lang pulang-pula na ako. Mabuti na lang, naka-dim light sa buong club kaya hindi halata ang pamumula ng mukha ko. “Paano mo naman nakilala ang kaibigan namin, Zendie?” nanunudyong tanong ni Erlyn. Nahihiya akong ngumiti kay Zendie dahil nakatingin lang ito sa akin. Kinikilig talaga ako. Ang guwapo niya, tapos ang bango-bango pa. “Guys, wait lang! Mamaya na natin interview-hin si Zendie kasi hindi pa umiinom si Leahbel. Aba, binyagan na iyan!” sumang-ayon naman na pumapalakpak pa ang lahat kay Pony dahil sa sinabi niyang iyon. “Ngayon ka pa lang iinom?” buong pagtataka akong tiningnan ni Zendie nang iabot sa akin ni Cella ang basong may lamang alak. Tumango naman ako sa kaniya. “Eh, paano, kahit sumasama iyan dito hindi puwedeng uminom. Kapag nahuli ng daddy niya na nalasing hindi na ulit papayagan. At least ngayon, puwede na siyang uminom dahil magtu-twenty two na,” natatawang sagot naman ni Erlyn. “At may bantay pa,” segunda naman ni Pony na ikinatawa ng lahat. “Don’t worry. I’m here naman, so I will take care of you,” malambing na saad ni Zendie kaya lalo akong kinilig. Maging ang mga kaibigan ko ay bumungisngis din. Dahan-dahan kong ininom ang alak na nasa baso. Talagang nakatutok silang lahat sa akin kaya medyo na-concious tuloy ako. Ramdam ko rin ang pares ng mga matang matiim na nakatitig sa akin. Kahit hindi ko tingnan si Ram ay damang-dama ko kapag sa akin siya nakatutok. Hindi ko alam kung paano, basta alam ko at ramdam ko. Napangiwi ako nang gumuhit ang init sa lalamunan ko at malasahan ang kakaibang pait na may talim sa dila ko. At dahil doon ay hindi ko nainom nang diretso . “Hey, Bel, you have to finish it in one go!” paalala ni Erlyn sa akin kaya wala akong nagawa pa kung hindi tunggain iyon hanggang sa maubos. Pinalakpakan nila ako at naghiyawan pa na akala mo nanalo sa lotto. “Finally! Hindi ka na virgin pagdating sa alak!” sinabayan ni Cella ng bungisngis ang sinabi niya kaya nagkatawanan kaming lahat. Sumubo ako ng isang slice ng apple dahil naiwan iyong pait sa dila ko. “Are you okay?” tanong agad sa akin ni Zendie. Maging siya ay nakikipagsabayan ding uminom sa mga kaibigan ko. Tumango naman ako at ngumiti. “Yeah! Medyo masama lang pala ang lasa ng alak,” komento ko. Natawa ito kaya namangha ako. Lumabas kasi iyong maliliit na dimples sa gilid ng bibig niya. “By the way, may boyfriend ka na ba, Leahbel?” nahihiya akong umiling at muli ay nanlamig ang mga kamay ko. Kinikilig talaga ako na ewan. Sana yayain na niya akong mag-date o kahit higit pa roon! “Hoy, Zendie! Alam kong habulin ka ng mga babae, pero huwag na huwag mong sasaktan iyang kaibigan namin, ah? Naku, kapag nagkataon, ako ang bubugbog sa iyo!” pabirong banta ni Pony. Palaban talaga ang babaeng ito kahit saan. “Tumpak! Suwerte mo diyan sa kaibigan naming iyan. Never pa iyan nagkaka-boyfriend. Kaya sure na sure na ikaw ang first niyan sa lahat ng bagay!” pilyang pagsang-ayon naman ni Erlyn. Pinandilatan ko siya dahil napakadaldal talaga niya. Nakakahiya naman kay Zendie. Itong mga kaibigan ko talaga, parang mga bugaw minsan. Baka isipin pa nito may diperensiya ako kaya hindi pa ako nagkaka-boyfriend. Nire-reserve ko talaga ang lahat para kay Zendie. Sa kaniya lang ako ng buong-buo! “Kahit sino naman talaga ang maging boyfriend ni Leahbel, suwerte, eh. Bukod sa maganda na ay matalino pa. Kaya nga ang hirap lapitan kasi ang daming umaaligid. Masiyadong mahaba ang pila,” sagot naman ni Zendie na ikinaawang ng mga labi ko. “Ano’ng ibig mong sabihin?” kinakabahang tanong ko. Ayaw kong mag-assume, pero sa tono nang pananalita niya, parang matagal na niya akong nakikita o kilala. “Do you remember when you joined the debate team?” naalala ko kaya napatango ako. Kami ang champion sa inter-university debate na iyan noong second year college ako. “I watched that. You were so amazing and very eloquent while defending your point. I even thought that if only you were not that young, you deserve to be the team captain,” pagpapatuloy niya. Namilog ang mga mata ko. Nagkatinginan pa kaming mga magkakaibigan. “Napanood mo iyon?” hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango siya agad at ngumiti. “From then on, hindi ka na nawala sa isip ko. Kaya lang hindi kita malapitan dahil para sa akin masiyado ka pang bata. But I was serious when I said you are the prettiest in our campus because it’s true – in my eyes at least!” tuluyan ko nang natakpan ng kamay ko ang bibig ko dahil sa pinaghalong kilig at tuwa. Kilala na pala niya ako kahit noon pa. Meant to be na ba ito? Halos tumalon na palabas sa dibdib ko ang puso ko dahil sa saya. Nagpatuloy lang ang kuwentuhan at inuman. Pakiramdam ko ay mas lalo kaming napalapit sa isa’t isa ni Zendie. Ramdam ko na rin ang tama ng alak sa katawan ko. Nahihilo at parang umiinit ang pakiramdam ko. Kahit fully-airconditioned ang buong lugar ay pinagpapawisan ako. “Okay ka pa ba? Here, drink some water, namumula ka na,” bakas ang pag-aalala sa mukha ni Zendie. Maging siya ay mapungay na rin ang mga mata pero mas lalo pa yatang naging guwapo sa paningin ko. “Ang guwapo mo,” nakangiting sabi ko sa kaniya. Natawa ito at hinaplos pa ang pisngi ko kaya para akong nakiliti at mahinang humagikgik. “Hoy, girl, lasing ka na yata!” natatawang pansin sa akin ni Pony pero lalo lang akong natawa. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. “I want to take you home with me,” bulong sa akin ni Zendie kaya muli ay mahina akong tumawa. “Paano iyong bodyguard ko? Isusumbong ako niyan kay daddy,” pabulong kong sagot sa kaniya. Ngunit may mapaglarong ngiti sa mga labi niya. Muli kong ininom ang alak na nasa baso ko at hinintay ang sagot niya. “Tatakasan natin siya. Ako ang bahala. Pero gusto mo ba talagang sumama sa akin? I might do something bad to you,” mapang-akit niyang bulong pero natawa lang ako. “Bad thing? Gaano ka-bad?” I felt the alcohol was doing something crazy inside my brain. I wasn’t thinking clearly and I was not even sure of what I was saying to him. “Something that will hurt you because it’s your first time,” bulong niya ulit. Was he talking about s*x? Sabi kasi ng mga kaibigan ko masakit daw talaga iyon kapag una. Pero kung si Zendie ang babasag ng puri ko, walang problema. I am ready to give him everything. He was my dream ever since I learned to like a man. And I promised myself that I will give him my all. Am I in love with him? I don’t know, because I know nothing about love or relationship. I never had one, that’s why. “Just promise me that you will be gentle,” tugon ko naman. Napangiti ito at naramdaman ko ang kamay niya sa baywang ko. Hinila niya ako papalapit sa kaniya. “You know what?” anas niya sa akin. Pero nawala ang atensiyon ko sa kaniya nang mapansing si Cella na lang ang natirang kasama namin dito. “Nasa’n sina Erlyn at Pony? Nahihilong tanong ko. Umikot ang mata nito at tumungga ng alak. “Ano pa nga ba? Eh, di siguradong gumagawa na ng milagro ang mga iyon kasama ang mga boyfriend nila!” sabi nito saka biglang tumayo. “Maiwan ko muna kayo at lalapitan ko lang iyong cute na guy sa kabilang table. Kanina pa tingin nang tingin nahihiya yatang lumapit sa akin kaya ako na ang magpapainit ng gabi niya,” may hagikgik nitong saad at tinalikuran na kami. Ni hindi man lang ako hinintay na makasagot. “Paano ba iyan? Tayo na lang ang nandito. Gusto mo bang takasan na natin iyong bantay mo?” mapang-akit niyang bulong sa akin. Wala sa sariling nasilip ko si Ram at tila kalahati ng kalasingan ko ang nawala nang makita ang madilim niyang mukha. Matalim ang mga mata nitong nakatingin sa amin kaya napalunok ako. Bakit ba bigla na naman akong kinabahan? “You smell good,” napasinghap ako nang bigla akong halikan ni Zendie sa pisngi. Pisngi pa lang iyon pero parang sobrang kinilig na ako. Humigpit ang pagkakahapit niya sa baywang ko kaya dikit na dikit na ako sa katawan niya. Hinalikan pa niya ang gilid ng ulo ko na parang may panggigigil. “Let’s go, baby. I wanted you for myself so badly already,” yaya niya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at inalalayan akong makatayo. Pero sumuray ako nang makaramdam nang matinding pagkahilo. This time, he was really hugging me already kaya napasandal ang ulo ko sa dibdib niya. “I will take her home, lasing na siya,” narinig ko ang boses ni Ram pero hindi ko na pansin dahil hilong-hilo na talaga ako. Hinayaan ko na lang ang sariling sumandal kay Zendie at damhin ang init ng katawan niya. “No! Ako na ang maghahatid sa kaniya, pumayag na siyang ako ang maghahatid sa kaniya,” narinig ko ang pagtanggi ni Zendie. Pero habang nagtatagal ay tila lalong nagiging malabo ang lahat sa akin. Narinig ko pang nagpalitan ng ilang pagtatalo sina Zendie at Ram pero wala na talaga akong maintindihan. Nakapikit na lang ang mata ko at maging ang pag-iisip ko ay kung saan na yata napunta. Naramdaman ko na lang ang sariling umangat sa ere. Someone was carrying me in a bridal style. Kinarga na ba ako ni Zendie dahil hindi na ako makalakad? I tried to open my eyes but my eyelids were heavy. Hinayaan ko na lang ang sariling makatulog at sumandal sa balikat nang bumubuhat sa akin. “f**k! What you did today was really dangerous! Damn it! Sinasamantala ka na ng lalaking iyon tuwang-tuwa ka pa!” naririnig ko ang boses ni Ram. But I couldn’t respond. I felt so sleepy and dizzy. Naramdaman kong inihiga niya ako sa likod ng sasakyan. Inayos niya ako roon bago narinig ang pagsara ng pintuan. Umandar ang sasakyan na lalo pang nakadagdag sa hilong nararamdaman ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD