Graciella's Point of View: " Isipin mo ang lahat na masasakit na nangyari sa iyong buhay. Isioin mo ang mga taong nanloko sa iyo, nanakit sa damdamin mo! " sabi ni Mama Cristy sa akin. Nakaupo ako sa sahig at nakaharap ako sa isang lalaking actor na handle niya para ipakita ang lahat ng natutunan ko simula noong hawakan ako ni Mama Cristy. Nakatitig lang ako sa lalaking kaharap ko. Inisip ko na ang lalaking kaharap ko ay si Jordan. Biglang nanlisik ang aking mga mata sa kanya. Nakikita ko ang mukha ni Jordan na nakangisi, habang tinitignan niya akong sugatan at nahihirapan. Mabilis akong tumayo mula sa pagkakaupo ko, at bigla ko siyang sinampla nang malakas. " Hindi ka magtatagumapy sa lahat ng gusto mo! Sisiguraduhin ko na pagbabayaran mo ang lahat ng ginawa mo sa akin! " siga

