Graciella's Point of View: "Bakit hindi mo ako kinakausap, Ceres?" tanong ko sa kanya hababg kumakain kami ng agahan. Tinignan niya lang ako, pero hindi niya ako sinagot, at pagkatapos ay ipinagpatuloy na niya ang pagkain. Napasingkit na lang ako ng aking mga mata. Napansin ko kasi sa nagdaang araw na hindi niya ako kinikibo. Pagkagaling niya sa trabaho, deretso siya sa kanyang kwarto, at pagkatapos ng hapunan, balik siya sa kwarto niya. Sinubukan ko siyang kausapin pero parang iniiwasan niya ako. Alam kong may lroblema siya sa akin, ang sa akin lang sana ay alam ko kung ano ang problema niya. Nang matapos siyang kumain, tumayo siya sa kanyang kinauupoan at mabilis na kinuha ang kanyang mga gamit at lumabas ng bahay. Napailing na lang ako. Ang hirap talaga intindihin ang lala
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


