Graciella's Point of View: Matapos ang gabing nakita ko si Jordan at Sophia, mas nagpursige pa akong mag-training para maging artista. Tama si Ceres sa mga sinabi niya. Hinding hindi ako magpapaalipin sa aking emosyon, dahil kapag nangyari iyon, ako rin ang matatalo! Kaya ngayong, mag-fo-focus ako sa kung ano ang naplano ko. Sisiguraduhin ko na mababawi ko ang lahat sa kay Jordan, sisiguraduhin ko na pagbabayarin ko silang dalawa ni Sophia! " Arat na, gurl, ito na ang huling araw ng workshop mo! Alalahanin mo, bukas na ang audition doon sa Diamond, kaya dapat pulido ang gagawin mong piece! " pagtawag sa akin ni Mama Cristy. Ibinuhos ko ang lahat ng oras ko sa acting workshop na ito. Kahit na ansa bahay ako ni Ceres ay hindi ako tumigil sa pag-pra-practise! Kailangan kong makapas

