CHAPTER THIRTY NINE Baby Daddy “ARIELLA?” Hindi ko halos maidilat ang mga matang pinilit kong gumising para pansinin ang tumatawag sa akin. “Hmmm? Dedede na po ba si D-Dionne?” antok na antok kong tanong at mas isinubsob ang mukha sa unan. “Hindi, nak. Napadede ko na siya no’ng iniwan mong gatas sa ref kagabi.” Unti-unti na akong muling hinihila ng antok nang biglaan ang pagdilat ng mga mata ko sa narinig kong kasunod na sinabi ni Manang. “May mga bisita ka sa baba.” Nang maalala ang sinabi ni Dmitri kagabi ay napabalikwas ako ng bangon at sinulyapan ang orasan. It’s only seven o’clock in the morning. Anong oras na ako nakatulog kaya bigat na bigat na naman ang ulo ko. I groaned and grabbed my robe to cover my lingerie. Nagtungo ako sa banyo at mabilisang naghilamos at nag-too

