CHAPTER FOURTY-THREE: ••• ••• NAISIP kong tawagan si Hera para magpatulong sa pagsiyasat, pero alam kong mas magtatagal kung aasa ako sa iba. Mas mabuting ako mismo ang maghukay. Inilipat ko ang atensyon ko sa video feed. Sinubukan kong i-backtrack si Blaire bago siya nakita sa harap ng campus. May posibilidad na hindi lang ito simpleng pagbisita. Siguradong may layunin siya kung bakit nandito siya. Habang nagbabrowse, napansin ko ang kakaibang pattern sa ruta niya. Masyado siyang maingat. Tuwing may CCTV camera sa daanan, nagbabago siya ng direksyon, dumadaan sa mga blind spots. Hindi ito gawain ng ordinaryong tao. Nag-freeze ako nang may biglang lumabas na bagong footage. Sa isa sa mga camera malapit sa campus library, nakita ko siyang nakikipag-usap sa isang lalaki. Matangkad ito,

