CHAPTER THIRTY-ONE: ••• ••• AGAD kong binuksan ang map system ng HQ at ni-lock ang lahat ng main gates. “Better safe than sorry,” bulong ko habang naglo-load ng backup protocols. Hindi ko alam kung ano ang plano nila, pero hindi nila ako mauunahan. Tahimik ang paligid, pero ramdam ko ang tension sa bawat segundo. "Ano ba 'to, hindi na ba talaga natutulog ang kalaban kahit weekend?" Muli akong humigop ng malamig na kape na nasa gilid ng desk ko. Hindi ko alam kung gaano katagal ang laban na ‘to, pero isa lang ang sigurado ko—hindi ako papayag na matalo. Habang tuloy akong nagmo-monitor, napansin kong parang walang anumang pagbabago sa paligid matapos umalis ang van. Pero hindi ako mapakali. Kahit pa naka-lock na ang lahat ng main gates at naka-enable na ang security protocols, hindi k

