Napangiwi ako nang ipakita sakin ni Xyrille ang kulay pink na one piece bikini. Hindi siya gano'ng ka-revealing tulad ng kay Xyrille pero nahihiya pa rin ako. "Ano ka ba Shenna? Wag kang maniwala dyan kay Ice. KJ talaga yo'n. Tss. Ilalagay ko nga sa bag ko, baka magbago ang isip mo." sabi niya at nilagay sa bag niya ang bikini. Nag-aayos na kami ng mga dadalhin namin. Kagabi ko pa naayos yung akin kasi hindi naman ako maarte sa damit. "Ano ba yan?! Ang tagal mo Xyrille. Excited na ko eh!" sabi pa ni Kyla. Katabi namin siya dito kagabi, malaki naman 'tong kama kaya kasya kaming tatlo. "Oo na! Eto na kami." natatawang sabi ko at binuhat ang bag ko. Pagkalabas namin ng kwarto, rinig na rinig na agad namin ang kwentuhan ng Danger Zone. "Marami kang mabibingwit na isda do'n Lion. La

