Nagulat ako nang matapos kong maligo. Napansin ko kasing may kakaibang amoy yung pantulog ko kagabi. Parang amoy ni Ice. Baka naman hindi ako nananaginip kagabi! Baka nandito talaga si Ice kagabi?! Napatulala ako at natawa, imposible ang iniisip ko. Ni hindi nga ako kakausapin no'n eh. Napailing na lang ako. Lumabas na ko ng kwarto at nagtaka ako dahil parang aligaga ang mga katulong. Anong meron?! Agad akong pumunta sa dining area at halos matumba ako nang makitang nando'n si Ice kasama ang Danger Zone, ai Xyrille at si Kyla. Natigilan sila sa pagk-kwentuhan at napatingin sakin. Agad naman akong nginitian ni Lion at g*n. "Halika Shenna. Kain tayo." pagyayaya ni g*n. Napatingin ako kay Ice. Malamig na nakatingin lang ito sakin. Teka?! Kagabi pa ba siya dito?! Ibig sabihin hindi t

