Chapter 39

1351 Words

Pilit kong pinapahid ang mga luhang sunod sunod na dumadaloy sa pisngi ko. "K-kung ayaw mo na. Okay lang naman eh. M-matapang naman ako. Naiintindihan ko kung bakit ganito yung reaksyon mo. Siguro nabigla ka lang sa sinabi mong mahal mo ko. Sino ba naman ako diba?" sabi ko habang humihikbi. "Shenna." matigas na sabi ni Ice. "Nakakasawa naman talaga akong kasama alam ko yo'n. Maingay ako at clingy kaya naiintindihan ko kung bakit nagsasawa ka na sakin. Kaya kung makikipaghiwalay ka na, sabihin mo na agad. Salamat naman at nauntog kana, narealize mong napakababaw mo para magustuhan ang isang tulad ko. Kahit mahal na mahal kita, aalis na ko. Aalis na ko para wala na ang nakakairitang katulad ko sa mansyon na 'to---" Napasinghap ako nang bigla akong hilahin ni Ice at mariing hinalikan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD