"Break na kayo?!" Napatakip ako sa tainga ko dahil sabay sabay na sumigaw ang Danger Zone pati si Kyla. Dahan dahan akong tumango. "O-Oo." mahinang sabi ko habang nakatungo. "B-Bakit?! Sinong nakipagbreak?! Si Prince ba?! Ang kapal naman pala ng mukha niya!" tuloy tuloy na sabi ni Kyla. Hinawakan naman siya ni Lion sa balikat. "Hayaan mo munang makapagpahinga si Shenna." seryosong sabi ni Lion. "S-Sorry Shenna. Sige, magpahinga kana. Alam kong napagod ka ng sobra sa mga nangyari." tipid na ngumiti lang ako kay Kyla. "S-Sige. Punta na ko sa kwarto ko." tipid na sabi ko at tumayo na. Tumango na lang sila. Pagkapapasok ko sa kwarto, nanghihinang napaupo ako sa kama. Naramdaman ko ang mabilis na pagdaloy ng mga luha sa pisngi ko. Isa na yata 'to sa mga pinakamasakit na nangyari sa

